Oi man. Sa perpektong mundo, ang mga mamang metal at mga punkilitos ay magkainuman ng matador sa suking tindahan. Di nila pinaguusapan kung anong scale at time signature ang patok o pinagtatalunan kung paano pang paraan maipapakita nila ang walang hanggang pagmamahal nila kay Satanas. Simple lang ang kwentuhan, masama ang tao, maghahari ang kasamaan sa kabutihan, magkakaroon ng malawakang digmaan, masisira ang mundo, maraming maghihirap at mamamatay at wala ng pag-asa ang sangkatauhan. Ang cute naman diba? At dyan po sa mga daupang-palad na ganyan nabuo ang musikang Crust (o crustpunk). Marumi at magaspang ang tunog, stripped down, minimal ang lyrics na isinisigaw o tinitili, d-beat, may breakdown at singbilis ni Binoe sa chicks ang palo ng drums at pumapatak sa bawat kaskas ang dugo ng sansinukob.
Mula sa plataporma ng mga bandang Discharge, Amebix ,Hellbastard, Antisect, etc., nakatayo ang bandang Atakke. Una silang pumasok sa kamalayan ko ng minsang me nabasa akong isang article tungkol sa mga babaeng mahilig sa heavy metal at isa doon ay ang isang hot chick na kahawig ni Lotis Key (dating gf ni idol Pidol) na nakatayong me hawak na vinyl ng Bolt Thrower. Nakalagay dun, ang pangalan nya ay Chloe Puke at bokalista daw sya ng bandang Atakke (pronounced a-TAK-ay). Curiousity killed the cat, ika nga, at nung nag-online ako, sinubukan kong i-type ang pangalan nya sa browser. Yun lang, kakaiba ang mga lumabas na mga larawan kaya na distract ako, at nakalimot pagkat ako ay tao lamang (marupok, kay daling lumimot). Fast forward last month, bigla akong inatake ng pagkalungkot at bigla kong hinanap ang mabigat na ingay sa tenga ko. Bigla ko silang naalala. At di naman ako nadismaya. Although, medyo limited ang mga facts sa internet tungkol sa kanila, (maliban sa myspace nila at konting write-ups) nalaman ko na base pala sila sa Brooklyn, New York at nagkapag-release na pala sila ng 2 eps, ang una ay ang 2008's March to the Gallows at ang kasunod nito na Avalance 2009 under Mountain of Madness records.Current line-up nila ay si
Chloe Puke - Vocals,
BillDozer - Guitar
Sam Awry - Guitar, vocals (gitarista rin ng Mutant Supremacy, Sun Descends)
Robert Facegrind - Drums (Mutant Supremacy)
Denis Holocaust – Bass.
Over the course ng paghahanap, naka-score din ako ng kopya ng March to the gallows. At masasabi ko lang... “LUPET”. Imagine-nin mo si Kris Aquino (na 10x hotter at mas panalo ang hair) na na-possessed ni Linda Blair at Speedy Gonzalez habang binubulyawan si Jame Jap, sa saliw ng Motorhead at Discharge, sa kalagitnaan ng nuclear holocaust.Tatlo lang ang kanta dito, ang pinakahaba ay under 4 mins., pero sapat na yun para mabuwisit ang kapitbahay. Pagbilang sa cymbals, sugod kagad ang four horsemen sabay wasiwas na ng karit. Short and sweet ang execution.Walang palabok o kung anu-anong litanya,
–