Ehman. Una kong napanood ang Jeck Pilpil & Peacepipe noong nakaraang Ska and Reggae Festival sa MoA last May 14,2010 at nagulat kagad ako sa skills nila sa live setting. Malakas at malinaw ang tunog, matikas ang tugtugan at magaling magdala ang bokalista ng kanta atng crowd. Bukod pa sa magaling din sya maghalukay-ube he he. At ang nakakagulat pa dun, halos lahat ng dreadheads sa crowd e alam ang lyrics ng kanta nila. Nanghinayang tuloy ako sa matagal ding panahon na “nagbakasyon” ako sa local na underground, particularly sa punk/hardcore, ska/reggae scene. Bagamat aware ako na nakapag-release na sila ng self-titled album noon, wala akong idea kung gaano kalawak ang talent nila, until that night. Bilang pagbawi, agad na umi-score ako ng sophomore album nila na Mabuhay Revolution (under Galaxy Records din), at di naman ako napahiya. Si Jeck Pilpil at ang kanyang mga bad-boys -bad-boys-whatcha-ganna-do na Peacepipe (guitarist Marion Legazpi, bassist Ian Suratos, drummer Owen Aguirre, and percussionist Rani Caldoza) ay nakapag-rolyo ng potent mixture of highly-anthemic ganjasaurus reggae party na may equal parts traditional Jamaican feel, yet Filipino at the same time. Malabo ba? Ang ibig kong sabihin e, kung ang Tropical Depression ni Papa Dom e pinaghalong Carribean/Kundiman ang tunog, ang Brownman Revival e medyo California/ third wave/ ska/reggae by way of early 90s Eheads ang dating at ang Junior Kilat e dub na RnB (Reggae na Bisaya), ang JP& P naman ay lumuluhod sa altar ng patron saint mismo, ang orig na Jah-Jahman na si Bob Marley. Socio-political observations na hinaluan ng highly spiritual teachings ang malalanghap nyo sausok ng brand nilang sweet reggae music. Parang nakikinig ka sa rally ng mga Christian Socialists sa kasagsagan ng First Quarter Storm o nasa gitna kayo ng nagka-kapit-bisig na madre-pari at sundalo noong
EDSArev version1. Ang mga biblical na terms, gaya ng Babylon, Holy Mt.Zion, the meek, humble, almighty, salvation ay nakikipagsabwatan sa maka-kaliwang salita gaya ng poor, hungry, corruption, make a stand, fight, rise up, at revolution to name a few.
May kanya kanya ring personalidad ang mga kanta dito in terms of musicality, tila baga nagcha-channel sila ng look at feel, siguro upang mas malinaw nilang maparating ang mensahe sa audience. Halimbawa, sa kantang “Rise-up”, na ang paksa ay parang call-to-arms of sort, e parang theme song ng Combat ang dating ng horn section dito (dating palabas ni Vic Morrow at Rick Jason), samantalang sa “We are poor “ naman, parang theme from Exodus ang banat nila. Stand out dito ang “Holy Mount Zion”, “Sweet reggae music”, “Filipina Island Gyal”, “Lord is my salvation”, “Corruption”, “Rise up”, “I was wrong” (teka, parang nabanggit ko na ata lahat a he he). At syempre yung “Watawat”, na sobrang lakas at anthemic ng dating, pramis repapips. Maihahambing mo ang dancebility (meron bang ganung word) sa “Tumindig ka” ng ng Buklod dati at Pinoy-pride angas ni St.FrancisM (sumalangit nawa). Sigurado akong ito ang papalit sa ating pambansang awit kapag na-legalize na ang “saranggola ni Pepe”. All in all, sulit ang koleksiyon ng mga awit dito at kahit di ka kabilang sa tribong Navajo o wala kang perang pampa-dreadlocks, e tyak na mapapahit-hit ka sa mga bonghits nila, mapapasayaw sa tunog ng kapayapaan at magiging proud ka uli na maging Pinoy. Kaya sigaw na. Sige. Buhay mo ay mahalaga. Sige. Salamat sa ‘yong suporta. Sige. Ayos.