Sunday, November 21, 2010

jeck pilpil & peacepipe-mabuhay revolution





Eh man. Una kong napanood ang Jeck Pilpil & Peacepipe noong nakaraang Ska and Reggae Festival sa MoA last May 14,2010 at nagulat kagad ako sa skills nila sa live setting. Malakas at malinaw ang tunog, matikas ang tugtugan at magaling magdala ang bokalista ng kanta at ng crowd. Bukod pa sa magaling din sya maghalukay-ube he he. At ang nakakagulat pa dun, halos lahat ng dreadheads sa crowd e alam ang lyrics ng kanta nila. Nanghinayang tuloy ako sa matagal ding panahon na “nagbakasyon” ako sa local na underground, particularly sa punk/hardcore, ska/reggae scene. Bagamat aware ako na nakapag-release na sila ng self-titled album noon, wala akong idea kung gaano kalawak ang talent nila, until that night. Bilang pagbawi, agad na umi-score ako ng sophomore album nila na Mabuhay Revolution (under Galaxy Records din), at di naman ako napahiya. Si Jeck Pilpil at ang kanyang mga bad-boys -bad-boys-whatcha-ganna-do na Peacepipe (guitarist Marion Legazpi, bassist Ian Suratos, drummer Owen Aguirre, and percussionist Rani Caldoza) ay nakapag-rolyo ng potent mixture of highly-anthemic ganjasaurus reggae party na may equal parts traditional Jamaican feel, yet Filipino at the same time. Malabo ba? Ang ibig kong sabihin e, kung ang Tropical Depression ni Papa Dom e pinaghalong Carribean/Kundiman ang tunog, ang Brownman Revival e medyo California/ third wave/ ska/reggae by way of early 90s Eheads ang dating at ang Junior Kilat e dub na RnB (Reggae na Bisaya), ang JP& P naman ay lumuluhod sa altar ng patron saint mismo, ang orig na Jah-Jahman na si Bob Marley. Socio-political observations na hinaluan ng highly spiritual teachings ang malalanghap nyo sa usok ng brand nilang sweet reggae music. Parang nakikinig ka sa rally ng mga Christian Socialists sa kasagsagan ng First Quarter Storm o nasa gitna kayo ng nagka-kapit-bisig na madre-pari at sundalo noong

EDSArev version1. Ang mga biblical na terms, gaya ng Babylon, Holy Mt.Zion, the meek, humble, almighty, salvation ay nakikipagsabwatan sa maka-kaliwang salita gaya ng poor, hungry, corruption, make a stand, fight, rise up, at revolution to name a few.

May kanya kanya ring personalidad ang mga kanta dito in terms of musicality, tila baga nagcha-channel sila ng look at feel, siguro upang mas malinaw nilang maparating ang mensahe sa audience. Halimbawa, sa kantang “Rise-up”, na ang paksa ay parang call-to-arms of sort, e parang theme song ng Combat ang dating ng horn section dito (dating palabas ni Vic Morrow at Rick Jason), samantalang sa “We are poor “ naman, parang theme from Exodus ang banat nila. Stand out dito ang “Holy Mount Zion”, “Sweet reggae music”, “Filipina Island Gyal”, “Lord is my salvation”, “Corruption”, “Rise up”, “I was wrong” (teka, parang nabanggit ko na ata lahat a he he). At syempre yung “Watawat”, na sobrang lakas at anthemic ng dating, pramis repapips. Maihahambing mo ang dancebility (meron bang ganung word) sa “Tumindig ka” ng ng Buklod dati at Pinoy-pride angas ni St. FrancisM (sumalangit nawa). Sigurado akong ito ang papalit sa ating pambansang awit kapag na-legalize na ang “saranggola ni Pepe”. All in all, sulit ang koleksiyon ng mga awit dito at kahit di ka kabilang sa tribong Navajo o wala kang perang pampa-dreadlocks, e tyak na mapapahit-hit ka sa mga bonghits nila, mapapasayaw sa tunog ng kapayapaan at magiging proud ka uli na maging Pinoy. Kaya sigaw na. Sige. Buhay mo ay mahalaga. Sige. Salamat sa ‘yong suporta. Sige. Ayos.










Thursday, September 16, 2010

Human Mastication-Grotesque Mastication of Putrid Innards



Oi man. Ayon sa kasabihan, ang art daw ay reflection ng nangyayari sa society. Kung pagbabatayan natin yan, e di paksyet, nasa impyerno na tayo mga kapatid, at si Taning na OIC har, har, har. Case in point, mula sa bayan ng durian at summary execution, ang tanging grupong nagpaluha kay Duterte sa sobrang nag-uumapaw na kagalakan, Davao’s very own pride and joy, ang sobrang lupet na …Human Mastication! Nabuo somewhere late 2002, tila ng mga miyembro ng Davao Death Squad na walang magawa siguro during their weekends at gusting mai-express sa mundo ang kani-kanilang “artistic side”. Ang output? Sabihan nalang natin na ito ay ang direktang opposite sa kanta ng Eagles na ” peaceful-easy feeling” o ng Commodores na “easy like Sunday morning”. Ang bandang binubuo ni Gee – Vocals, Siloy – Bass, Jay – Guitars, Kano – Drums at Val – Guitars, ay mapalad na nakapag-release na ng demos at splits mula ng mabuo, bago ang full length na ito noong 2008, under Sevared Records, isang kilalang death metal label sa US. Ang resulta? Sabihin na lang natin na kung si George Lucas e may John Williams, si Tim Burton ay may Danny Elfman, e sila naman ang musical scorer of choice ni Andal. At ang Grotesque Mastication of Putrid Innards as an album ay equivalent ng Ampatuan:The Musical. Kaskasang sobrang down-tuned na parang pugak ng armalite? Check. Bass na parang purol na jungle bolo na hinahampas sa ulo? Check. Walang humpay na blastbeats, parang binigyan mo ng meat tenderizer mallet ang isang manyak na matador na may cerebral palsy at pinasakay mo sa MRT during rush hour upang gawing human taksyapo ang mga pasahero? Check. Panaka-nakang ungol ng galising asong ulol sa rabis at plema ang lalamunan as vocals? Check At kung sakaling maintindihan mo ang lyrics na kinakanta nya, e malamang tungkol ito kay Zack Efron being sodomized ng sampung arabong truck drivers na nakabatak sa S, Cobra at Sting energy drink cocktail habang nakikinig sa radyo ng tambalang Balasubas at Balahura na nagpapatugtog ng kanta ni Justin Bieber na “baby-baby-baby-ohh”. Nakakatuwa nga yung review sa Encyclopedia Metallum site, kung saan tinawag ang banda na “The Philippines' own waste of oxygen” at ang album na “ the garbage is where it belongs”. He he, malamang isang matandang Marcos loyalist yun na hanggang ngayon e binoboto pa rin si Amay Bisaya. Yun nga yung point e Captain Obvious, eoWs pOws? (to borrow a jeje-line). Yu nga yung mission-vision e, dalhin ang musick sa dulo ng bangin at i-testing kung hanggang saan pa maitutulak ang bounderies. At kahit na minsan me punto sya, e.g. “every song consists of the same low, groovy chug with random, pointless pinch harmonics surfacing occasionally…”, ang mali nya siguro e naghahanap sya ng mga bagay na karaniwang maririnig sa mga technical metal bands. Brutal death metal nga e, brutal? Gets mo ba? Si Ted Bundy ba e nakataas ang pinky pag pumapatay? Dagdag mo pa dyan ang fact na sa third world, limited ang resources at mas malaki ang adversity na kelangan mong lampasan , makapagrecord ka lang, kaya kahit sabihin na “crappy” ang quality, ay isang malaking tagumpay na. At ilang banda bang nasa death metal genre ang actual na napapalibutan ng kamatayan sa mismong paligid nila? Which makes this album pretty fuckin’ disturbing in its immediacy. And another thing, kelan ba na-deter ang mga tao na pakinggan ang isang musika na tinawag na “pure shit”? Di ba ang buong career ni Britney Spears (among others) e thankful sa phrase na yan? Yung sticker ba ni Tipper Gore na “explicit lyrics” e nakatulong para di nyo bilhin ang tape ng Slayer? Ang pagpapa-pogi ba ni Bong Revilla laban sa sex scandal e nakapigil sa inyo para di panoorin ang indie films ni Hayden Kho? He he, of course di para sa lahat ang musick na to’, not for the faint of hearts (or weak stomach) ika nga. At sa album cover pa lang na ginawa ni Tony Koehl, alam mo na kagad na di ito pang-Juris at Chin. Let’s just say na ito ang tamang music sa elevator na papunta sa totoong ground floor, kung saan mainit ang pagtanggap at walang katapusan ang party, like its 1999 o 6661. Ayos..










Tuesday, July 6, 2010

Atakke - march to the gallows 7''



Oi man. Sa perpektong mundo, ang mga mamang metal at mga punkilitos ay magkainuman ng matador sa suking tindahan. Di nila pinaguusapan kung anong scale at time signature ang patok o pinagtatalunan kung paano pang paraan maipapakita nila ang walang hanggang pagmamahal nila kay Satanas. Simple lang ang kwentuhan, masama ang tao, maghahari ang kasamaan sa kabutihan, magkakaroon ng malawakang digmaan, masisira ang mundo, maraming maghihirap at mamamatay at wala ng pag-asa ang sangkatauhan. Ang cute naman diba? At dyan po sa mga daupang-palad na ganyan nabuo ang musikang Crust (o crustpunk). Marumi at magaspang ang tunog, stripped down, minimal ang lyrics na isinisigaw o tinitili, d-beat, may breakdown at singbilis ni Binoe sa chicks ang palo ng drums at pumapatak sa bawat kaskas ang dugo ng sansinukob.

Mula sa plataporma ng mga bandang Discharge, Amebix ,Hellbastard
, Antisect, etc., nakatayo ang bandang Atakke. Una silang pumasok sa kamalayan ko ng minsang me nabasa akong isang article tungkol sa mga babaeng mahilig sa heavy metal at isa doon ay ang isang hot chick na kahawig ni Lotis Key (dating gf ni idol Pidol) na nakatayong me hawak na vinyl ng Bolt Thrower. Nakalagay dun, ang pangalan nya ay Chloe Puke at bokalista daw sya ng bandang Atakke (pronounced a-TAK-ay). Curiousity killed the cat, ika nga, at nung nag-online ako, sinubukan kong i-type ang pangalan nya sa browser. Yun lang, kakaiba ang mga lumabas na mga larawan kaya na distract ako, at nakalimot pagkat ako ay tao lamang (marupok, kay daling lumimot). Fast forward last month, bigla akong inatake ng pagkalungkot at bigla kong hinanap ang mabigat na ingay sa tenga ko. Bigla ko silang naalala. At di naman ako nadismaya. Although, medyo limited ang mga facts sa internet tungkol sa kanila, (maliban sa myspace nila at konting write-ups) nalaman ko na base pala sila sa Brooklyn, New York at nagkapag-release na pala sila ng 2 eps, ang una ay ang 2008's March to the Gallows at ang kasunod nito na Avalance 2009 under Mountain of Madness records.Current line-up nila ay si
Chloe Puke - Vocals,
BillDozer - Guitar
Sam Awry - Guitar, vocals (gitarista rin ng Mutant Supremacy, Sun Descends)
Robert Facegrind - Drums (Mutant Supremacy)

Denis Holocaust – Bass.

Over the course ng paghahanap, naka-score din ako ng kopya ng March to the gallows. At masasabi ko lang... “LUPET”. Imagine-nin mo si Kris Aquino (na 10x hotter at mas panalo ang hair) na na-possessed ni Linda Blair at Speedy Gonzalez habang binubulyawan si Jame Jap, sa saliw ng Motorhead at Discharge, sa kalagitnaan ng nuclear holocaust.Tatlo lang ang kanta dito, ang pinakahaba ay under 4 mins., pero sapat na yun para mabuwisit ang kapitbahay. Pagbilang sa cymbals, sugod kagad ang four horsemen sabay wasiwas na ng kar
it. Short and sweet ang execution.Walang palabok o kung anu-anong litanya, gaya ng mga kontrabida sa mga pinoy action movies. Parang magnanakaw ng cellphone. Parang sparrow unit. Pag kumurap, tapos na. Akma ang music na ito sa mga anachropunks, metalheads, negative creeps, lumpen, katutubong ninakawan ng lupa, huramentadong MILF (yung political party ha, di yung iniisip mo...), bad trip na taxi driver, sidewalk vendor, tibak, mga fanboy at nanay ng makukulit na anak. Ayos.





Monday, June 28, 2010

roel cortez-best



Oi man. Noong huwebes ng gabi nadukutan ako ng cellphone. Pauwi ako noon galing sa trabaho sakay ng isang karag na bus. Nang ako’y pababa na sa may Rotonda, may mamang naka jacket na itim ang bumangga sa kin at nakipag-unahan sa pinto. Pinagbigyan ko sya at sumunod na bumaba pagkatapos nya. Paghakbang ko pa lang sa kalye e namalayan ko nang gumaan ang bulsa ko. Nakaramdam ako ng sobrang pagod sa totoo lang. Pagod din talaga ako noon sa trabaho.Wala akong nagawa kundi umuwi ng lulugo-lugo at mapabilang sa talaan ng National Statistics Office na bektema ng agaw-cellphone. (Wag mageng bektema!). Sa totoo lang din, di naman ako masyadong nanghinayang dun dahil medyo may kalumaan na yung unit at mahirap magtext dahil ang daming checheburetche at may problema na rin ang keypad. Dagdag mo pa dun na sa kapatid ko talaga ang cellphone na yun. Ayos. Nalungkot lang ako kasi nawala na yung mga numbers ng mga friendly friends ko na nakuha ko Linktv. Pano na ko makikipag-eyebol nyan? Hay.

Nang pauwi nako, nagmuni-muni ako kung paano ko ipagtatapat sa pamilya ko ang lahat. (naks). Naisip ko na lagyan ng kung anu-anong palabok ni Carlo J. Caparas ang kwento. Sasabihin ko na may humarang sakin na dalawang lalaki na sinlaki ni Derek Ramsey (pero di sing gwapo) at tinutukan ako ng beinte-nuwebe, nanlaban ako at nakipagbasagan ng mukha sa gitna ng edsa at napatumba ko sila,at dumating ang mga pulis Pasay at dinapot sila habang ang mga taong nagtitinda ng kwek-kwek at palamig ay nagpapalakpakan at ang mga kababaihang nag-aabang ng kostumer sa tapat Rotonda Lodge ay isa-isang hinimatay sa kilig, at nang may pulubing nagsabit sakin ng sampaguita at bumulong na wala daw silang pamasahe pauwing Calumpang ay kinaawaan ko kaya binigay ko ang aking cellphone upang kanilang maisanla. Ang dami ko pang naisip na kwento na mas exciting at bonggacious para mapagtakpan ang tutoong nangyari.

Pagdating ko sa bahay, iba ang eksena na nadatnan ko. Ang nanay ko e kinulit ako na kunin yung itak na naiwan sa dati naming tinitirhan (bagong lipat po kami) dahil maganda daw yun pambiyak ng nyog at galing pa yon sa lolo ko blah, blah, blah e sa totoo lang e kalawangin na yun at wala ng hawakan. Pagpasok ko sa kwarto e nadatnan ko ang kapatid kong me ari ng cellphone na minumura yung computer dahil ayaw gumana yung webcam na ini-install nya. Naisip ko tuloy na walang makikiramay sa pagdadalamhati ko. Walang yayakap sa kin at kukusutin ang buhok ko at sasabihing “there,there, it’s alright” , wala ring magtitimpla ng Sarsi na may itlog para gumaan ang pakiramdam ko at makatulog, magkukumot sa akin at papatay ng ilaw? Hay.

Kung ang buhay ay isang pelikula, di ka rin pala nakakasiguro na ikaw ang bida. Baka isa ka lang extra, parang yung isa sa mga hapon na pinapaulanan ng bala ni Da King na mapapansin mo sa susunod na eksena na bumagon para paulanan uli ng bala. Malay mo yung nandukot ng cellphone ko ang bida? Na kaya nya lang nagawa yun e para makabili ng gamot para sa kanyang nanay na may sakit, maibili ng wheelchair ang kapatid nyang nalumpo dahil naputukan ng plapla o kaya para pantustos sa kanyang pag-aaral ng abogasya para makaahon sila sa hirap at matupad ang pangarap nyang maging congressman at makatulong sa bayan? O kaya naman nandun sya ngayon sa beerhaus kasama ng tropa umiinom at me ka-table pa habang binibida kung paano nya naisahan yung isang gwapong lalaking medyo hawig ni Piolo pag di nag-ahit? O kaya rin naman e ginawa nya yun para kahit paano e mabuhay ng payak at maitawid ang pang-araw araw na pangangailangan? Hay ulit.

Naalala ko tuloy bigla si Roel Cortez. (hanep sa segue way!) Sa biglang dinig, napaka generic na pangalan para sa isang singer na patok ang mga awit. Unang reaksyon: Sino ba yun? Kaklase ba natin yun nung haiskul? Yun ba yung nasa row 2 katabi ni Brother Britennia, yung kaklase nating born again? Kapatid ba yun ni Rez? Sana man lang naisip nila na Bubble o Misalucha ang gamitin para me dating. Ang totoo nyan, mas marami satin ang nakakaalam ng kanta nya kesa sa pangalan nya. Di rin makatulong ang internet sa pagdagdag ng kaalam tungkol sa kanya, bagamat marami ring site ang nagbabanggit o nagpapatugtog ng kanta nya. Kaya wala rin akong masabing konkretong facts ukol sa kanyang pagkatao. Dinaig nya pa si Mystery Boy, yung bini-build-up na singer ni Kuya Germs na nakamaskara, na sumikat ng bahagya pero naunsyame ang career ng magpakita ng mukha.

Siguro sa isang yugto ng buhay mo narinig mo na sya, sa radio,sa tv,sa pampublikong sa sasakyan, sa beerhaws, bilyarang merong jukebox at sa mga call centers. Isa sa pinakamalaki nyang hit ay ang kantang “Napakasakit Kuya Eddie”, na theme song ng Kahapon Lamang ni Eddie Ilarde, (isa sa mga pioneer na payo-drama genre na pinaghugutan ng format ng MMK at Magpakailanman). Naghit noong dekada 80’s sa kasagsagan ng OFW Diaspora, ito’y nagkwewento ng isang mapait na karanasan ng isang amang nagtungo sa “mainit na syudad sa bansa ng Arabyano” upang “magbanat ng buto” at maiahon ang pamilya sa kahirapan, ngunit nagulantang ng makatanggap ng sulat sa anak na nagsabing “itay umuwi ka, dalian mo lang sana, si inay ay may-iba, nagtataksil sayo ama”. At nang paguwi nya, nadatnan nya na sabog ang kanyang anak, nadagdagan pa ng isa ang dalawa niyang anak at ang butihin nyang maybahay ay sumama sa kanyang kalaguyo at tinangay ang kanilang pera. Napakasakit talaga! At ang malupet pa dun, e nagamit nya pa ang salitang “Marijuana” sa isang pop song.Genius dipo ba?

Sa kanya naman naka-credit ang tagalong version ng “Baleleng”. (yung Bisaya e kay Max Surban, ang Gary V ng mga bisayang daku). May version din nito ang kumedyanteng Amboy na si Norman Mitchel na ganito ang lyrics; I have 2 hands Baleleng, the left and the right, hold them up high Baleleng so clean and bright, clap them softly Baleleng 123, clean little hands Baleleng are good to see. Natandaan ko na ginawa pa itong pelikula nuon, parang another version ng Dyesebel, ang sirena, na pinabidahan ng mistisang ex ni Goma na maikli ang buhok. (na nakalimutan ko ang pangalan, Patricia Borromeo ata). Ang kantang ito, bagamat isang seryosong ballad, marahil ang naging precursor ng isa ring hit na “Dayangdayang”, na isa namang ballad na panghataw.Di ako masyado sure dyan.

“Tutulungan kita” naman ang isa sa mga klasikong Jukebox Hit, at maihahanay sa mga malulupet na awiting “Walang Kaliwaan” ni Cristy Mendoza, “Bakit” ni Imelda Papin (simulat sapul mahal kita, nalalaman mo…), “Bakit ako Mahihiya” ni Didith Reyes, “Kung ang irog mo ay dalawa (palayain ang isa) (di ko alam kung sino kumanta), and the likes. Natataka nga ako kung bakit di ito kinakanta ng mga contestant na lalaki sa Pinoy Pop Superstar gayong hitik na hitik ito sa emosyon at pamatay ang korus na “Tutulungan kita malimot mo sya, ibabalik ang dati mong sigla, muling gagamutin puso mong sinugatan, sugat na dulot ng salawahan…malilimot mo sya, tutulungan kita”. Kung may theme song ang PCSO nuong araw, eto na yun.Tipong pangkawang-gawa talaga.

“Sa mata makikita” naman ay medyo folk/country ang areglo na laging pinapatugtog tuwing hapon sa FRC (folk,rock,country) sa DM 95.5 noong mga panahong wala pang Love Radio. Maituturing na ultimate “torpe song” ito kung pakikinggan ang lyrics: “Kailangan pa bang ako ay tanungin? Kailangan pa bang ito ay bigkasin? Na mahal kita, at wala ng iba, dyan mo makikita sa aking mga mata”. Pwede rin itong theme song ng mga mutaing may sore eyes. Naalala ko nun, me crush ako (naks) na nagpa-transcribe ng lyrics ng “On the wings of Love” mula sa tape nya. Nagawa ko naman kaya lang medyo bumaba ang pagtingin ko sa kanya dahil nasaktan ang “nyuweyb” pride ko. Nang ibigay ko ang kopya, buong lambing nyang tinanong kung me lyrics ba ako ng “Sa mata makikita” ? Astig. Jologs din pala.

Marami pa siyang naging hit sa koleksyong ito, gaya ng “Iniibig Kita”, “Iba ka sa lahat”, “Dalagang probinsiyana”, “Pinay sa Japan”, at ang kantang “Kahit ako ay pangit”, na di ko malilimutan dahil muntik na kaming magulpe dahil dyan. Minsan sa isang beerhaws sa Taguig, napadaan ang tropa. Saktong me Jukebox, kaya ako ay nagmagaling na magpatugtog. Pinili ko ang kantang ito para magpakwela. Akala ko ayaw gumana kaya paulit-ulit kong pinindot ang number. Naaliw naman ang crowd ng tumugtog na. Kaya lang, nagsimulang umasim ang mukha ng mga mamang tumador nang umulit ito. Sa kalagitnaan ng pangatlong ulit, isa-isa na kaming sumibat dahil umiinit na ang tingin sa paligid at nagpapatunog na sila ng kamao. Whew.

Sa ngayon,madalang mo nang marinig ang kanta nya. Sa isang thread nga sa isang internet forum, may naghahanap ng lyrics ng kanta nya dahil paborito daw nila yun, tapos sabay itatanong kung sino daw ang kumanta? Napaka-ironic kung iisipin. Huling balita ko, ayon sa tiyo kong chickboy, e nanalo daw si Roel Cortez sa lotto, kaya lang yung tiket e napunta sa isang kamag-anak nya. Nagkaroon daw ng pagtatalo na nauwi sa kanyang pagkakapaslang. Di ko alam kung may bahid ito ng katotohan o pawing kathang isip lamang ng tiyo ko na madalas ding nasa impluwensiya ng Tanduay. O kaya naman e me kakilala talaga siya na ang pangalan e Roel Cortez din at nangyari talaga ang insidente. Ilang lalaki ba sa talaan ng NBI ang may ganitong pangalan? Mahirap talaga ispelengin ang kapalaran. Naisip ko tuloy bigla, paano kung lahat ng mga nakakakilala talaga sayo ng tunay e namatay na, di parang di kana nag-exist nun? Oo nga’t nakalista ka sa NSO, pero wala nang makapagkwento kung ano at sino ka talaga. Na minsan sa isang yugto ng buhay mong parang pelikula, e hindi ka lang hamak na extra na nadaanan lang saglit ng camera. Na minsan, kahit paminsan-minsan lang, naging bida ka sa paningin nila. Ayos.


ADDENDUM: ang buhay nga naman, malaking kabalintunaan talaga. Pagkalipas ng ilang taon na naipost ko ito sa isa ko pang blog, e nakakatuwa naman na nagkaroon na ng http://roelcortez.blogspot.com/, gawa ng isang fan malamang at may kaunti nang impormasyon tungkol sa whereabouts nya. At ang mas cool pa dun, kung mapapansin ang write-up, me linya duon na direktang kinuha dun sa sinulat ko! Astig di po ba, ibig sabihin me nagbasa nung pagkahaba-habang -walang-kwentang gawa ko he he. Kung sino kaman, mabuhay ka at wag kalimutang magparami ng lahi! Ayos.