Oi man. Ayon sa kasabihan, ang art daw ay reflection ng nangyayari sa society. Kung pagbabatayan natin yan, e di paksyet, nasa impyerno na tayo mga kapatid, at si Taning na OIC har, har, har. Case in point, mula sa bayan ng durian at summary execution, ang tanging grupong nagpaluha kay Duterte sa sobrang nag-uumapaw na kagalakan, Davao’s very own pride and joy, ang sobrang lupet na …Human Mastication! Nabuo somewhere late 2002, tila ng mga miyembro ng Davao Death Squad na walang magawa siguro during their weekends at gusting mai-express sa mundo ang kani-kanilang “artistic side”. Ang output? Sabihan nalang natin na ito ay ang direktang opposite sa kanta ng Eagles na ” peaceful-easy feeling” o ng Commodores na “easy like Sunday morning”. Ang bandang binubuo ni Gee – Vocals, Siloy – Bass, Jay – Guitars, Kano – Drums at Val – Guitars, ay mapalad na nakapag-release na ng demos at splits mula ng mabuo, bago ang full length na ito noong 2008, under Sevared Records, isang kilalang death metal label sa US. Ang resulta? Sabihin na lang natin na kung si George Lucas e may John Williams, si Tim Burton ay may Danny Elfman, e sila naman ang musical scorer of choice ni Andal. At ang Grotesque Mastication of Putrid Innards as an album ay equivalent ng Ampatuan:The Musical. Kaskasang sobrang down-tuned na parang pugak ng armalite? Check. Bass na parang purol na jungle bolo na hinahampas sa ulo? Check. Walang humpay na blastbeats, parang binigyan mo ng meat tenderizer mallet ang isang manyak na matador na may cerebral palsy at pinasakay mo sa MRT during rush hour upang gawing human taksyapo ang mga pasahero? Check. Panaka-nakang ungol ng galising asong ulol sa rabis at plema ang lalamunan as vocals? Check At kung sakaling maintindihan mo ang lyrics na kinakanta nya, e malamang tungkol ito kay Zack Efron being sodomized ng sampung arabong truck drivers na nakabatak sa S, Cobra at Sting energy drink cocktail habang nakikinig sa radyo ng tambalang Balasubas at Balahura na nagpapatugtog ng kanta ni Justin Bieber na “baby-baby-baby-ohh”. Nakakatuwa nga yung review sa Encyclopedia Metallum site, kung saan tinawag ang banda na “The Philippines' own waste of oxygen” at ang album na “ the garbage is where it belongs”. He he, malamang isang matandang Marcos loyalist yun na hanggang ngayon e binoboto pa rin si Amay Bisaya. Yun nga yung point e Captain Obvious, eoWs pOws? (to borrow a jeje-line). Yu nga yung mission-vision e, dalhin ang musick sa dulo ng bangin at i-testing kung hanggang saan pa maitutulak ang bounderies. At kahit na minsan me punto sya, e.g. “every song consists of the same low, groovy chug with random, pointless pinch harmonics surfacing occasionally…”, ang
Thursday, September 16, 2010
Human Mastication-Grotesque Mastication of Putrid Innards
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment