Sunday, November 21, 2010

jeck pilpil & peacepipe-mabuhay revolution





Eh man. Una kong napanood ang Jeck Pilpil & Peacepipe noong nakaraang Ska and Reggae Festival sa MoA last May 14,2010 at nagulat kagad ako sa skills nila sa live setting. Malakas at malinaw ang tunog, matikas ang tugtugan at magaling magdala ang bokalista ng kanta at ng crowd. Bukod pa sa magaling din sya maghalukay-ube he he. At ang nakakagulat pa dun, halos lahat ng dreadheads sa crowd e alam ang lyrics ng kanta nila. Nanghinayang tuloy ako sa matagal ding panahon na “nagbakasyon” ako sa local na underground, particularly sa punk/hardcore, ska/reggae scene. Bagamat aware ako na nakapag-release na sila ng self-titled album noon, wala akong idea kung gaano kalawak ang talent nila, until that night. Bilang pagbawi, agad na umi-score ako ng sophomore album nila na Mabuhay Revolution (under Galaxy Records din), at di naman ako napahiya. Si Jeck Pilpil at ang kanyang mga bad-boys -bad-boys-whatcha-ganna-do na Peacepipe (guitarist Marion Legazpi, bassist Ian Suratos, drummer Owen Aguirre, and percussionist Rani Caldoza) ay nakapag-rolyo ng potent mixture of highly-anthemic ganjasaurus reggae party na may equal parts traditional Jamaican feel, yet Filipino at the same time. Malabo ba? Ang ibig kong sabihin e, kung ang Tropical Depression ni Papa Dom e pinaghalong Carribean/Kundiman ang tunog, ang Brownman Revival e medyo California/ third wave/ ska/reggae by way of early 90s Eheads ang dating at ang Junior Kilat e dub na RnB (Reggae na Bisaya), ang JP& P naman ay lumuluhod sa altar ng patron saint mismo, ang orig na Jah-Jahman na si Bob Marley. Socio-political observations na hinaluan ng highly spiritual teachings ang malalanghap nyo sa usok ng brand nilang sweet reggae music. Parang nakikinig ka sa rally ng mga Christian Socialists sa kasagsagan ng First Quarter Storm o nasa gitna kayo ng nagka-kapit-bisig na madre-pari at sundalo noong

EDSArev version1. Ang mga biblical na terms, gaya ng Babylon, Holy Mt.Zion, the meek, humble, almighty, salvation ay nakikipagsabwatan sa maka-kaliwang salita gaya ng poor, hungry, corruption, make a stand, fight, rise up, at revolution to name a few.

May kanya kanya ring personalidad ang mga kanta dito in terms of musicality, tila baga nagcha-channel sila ng look at feel, siguro upang mas malinaw nilang maparating ang mensahe sa audience. Halimbawa, sa kantang “Rise-up”, na ang paksa ay parang call-to-arms of sort, e parang theme song ng Combat ang dating ng horn section dito (dating palabas ni Vic Morrow at Rick Jason), samantalang sa “We are poor “ naman, parang theme from Exodus ang banat nila. Stand out dito ang “Holy Mount Zion”, “Sweet reggae music”, “Filipina Island Gyal”, “Lord is my salvation”, “Corruption”, “Rise up”, “I was wrong” (teka, parang nabanggit ko na ata lahat a he he). At syempre yung “Watawat”, na sobrang lakas at anthemic ng dating, pramis repapips. Maihahambing mo ang dancebility (meron bang ganung word) sa “Tumindig ka” ng ng Buklod dati at Pinoy-pride angas ni St. FrancisM (sumalangit nawa). Sigurado akong ito ang papalit sa ating pambansang awit kapag na-legalize na ang “saranggola ni Pepe”. All in all, sulit ang koleksiyon ng mga awit dito at kahit di ka kabilang sa tribong Navajo o wala kang perang pampa-dreadlocks, e tyak na mapapahit-hit ka sa mga bonghits nila, mapapasayaw sa tunog ng kapayapaan at magiging proud ka uli na maging Pinoy. Kaya sigaw na. Sige. Buhay mo ay mahalaga. Sige. Salamat sa ‘yong suporta. Sige. Ayos.










Thursday, September 16, 2010

Human Mastication-Grotesque Mastication of Putrid Innards



Oi man. Ayon sa kasabihan, ang art daw ay reflection ng nangyayari sa society. Kung pagbabatayan natin yan, e di paksyet, nasa impyerno na tayo mga kapatid, at si Taning na OIC har, har, har. Case in point, mula sa bayan ng durian at summary execution, ang tanging grupong nagpaluha kay Duterte sa sobrang nag-uumapaw na kagalakan, Davao’s very own pride and joy, ang sobrang lupet na …Human Mastication! Nabuo somewhere late 2002, tila ng mga miyembro ng Davao Death Squad na walang magawa siguro during their weekends at gusting mai-express sa mundo ang kani-kanilang “artistic side”. Ang output? Sabihan nalang natin na ito ay ang direktang opposite sa kanta ng Eagles na ” peaceful-easy feeling” o ng Commodores na “easy like Sunday morning”. Ang bandang binubuo ni Gee – Vocals, Siloy – Bass, Jay – Guitars, Kano – Drums at Val – Guitars, ay mapalad na nakapag-release na ng demos at splits mula ng mabuo, bago ang full length na ito noong 2008, under Sevared Records, isang kilalang death metal label sa US. Ang resulta? Sabihin na lang natin na kung si George Lucas e may John Williams, si Tim Burton ay may Danny Elfman, e sila naman ang musical scorer of choice ni Andal. At ang Grotesque Mastication of Putrid Innards as an album ay equivalent ng Ampatuan:The Musical. Kaskasang sobrang down-tuned na parang pugak ng armalite? Check. Bass na parang purol na jungle bolo na hinahampas sa ulo? Check. Walang humpay na blastbeats, parang binigyan mo ng meat tenderizer mallet ang isang manyak na matador na may cerebral palsy at pinasakay mo sa MRT during rush hour upang gawing human taksyapo ang mga pasahero? Check. Panaka-nakang ungol ng galising asong ulol sa rabis at plema ang lalamunan as vocals? Check At kung sakaling maintindihan mo ang lyrics na kinakanta nya, e malamang tungkol ito kay Zack Efron being sodomized ng sampung arabong truck drivers na nakabatak sa S, Cobra at Sting energy drink cocktail habang nakikinig sa radyo ng tambalang Balasubas at Balahura na nagpapatugtog ng kanta ni Justin Bieber na “baby-baby-baby-ohh”. Nakakatuwa nga yung review sa Encyclopedia Metallum site, kung saan tinawag ang banda na “The Philippines' own waste of oxygen” at ang album na “ the garbage is where it belongs”. He he, malamang isang matandang Marcos loyalist yun na hanggang ngayon e binoboto pa rin si Amay Bisaya. Yun nga yung point e Captain Obvious, eoWs pOws? (to borrow a jeje-line). Yu nga yung mission-vision e, dalhin ang musick sa dulo ng bangin at i-testing kung hanggang saan pa maitutulak ang bounderies. At kahit na minsan me punto sya, e.g. “every song consists of the same low, groovy chug with random, pointless pinch harmonics surfacing occasionally…”, ang mali nya siguro e naghahanap sya ng mga bagay na karaniwang maririnig sa mga technical metal bands. Brutal death metal nga e, brutal? Gets mo ba? Si Ted Bundy ba e nakataas ang pinky pag pumapatay? Dagdag mo pa dyan ang fact na sa third world, limited ang resources at mas malaki ang adversity na kelangan mong lampasan , makapagrecord ka lang, kaya kahit sabihin na “crappy” ang quality, ay isang malaking tagumpay na. At ilang banda bang nasa death metal genre ang actual na napapalibutan ng kamatayan sa mismong paligid nila? Which makes this album pretty fuckin’ disturbing in its immediacy. And another thing, kelan ba na-deter ang mga tao na pakinggan ang isang musika na tinawag na “pure shit”? Di ba ang buong career ni Britney Spears (among others) e thankful sa phrase na yan? Yung sticker ba ni Tipper Gore na “explicit lyrics” e nakatulong para di nyo bilhin ang tape ng Slayer? Ang pagpapa-pogi ba ni Bong Revilla laban sa sex scandal e nakapigil sa inyo para di panoorin ang indie films ni Hayden Kho? He he, of course di para sa lahat ang musick na to’, not for the faint of hearts (or weak stomach) ika nga. At sa album cover pa lang na ginawa ni Tony Koehl, alam mo na kagad na di ito pang-Juris at Chin. Let’s just say na ito ang tamang music sa elevator na papunta sa totoong ground floor, kung saan mainit ang pagtanggap at walang katapusan ang party, like its 1999 o 6661. Ayos..










Tuesday, July 6, 2010

Atakke - march to the gallows 7''



Oi man. Sa perpektong mundo, ang mga mamang metal at mga punkilitos ay magkainuman ng matador sa suking tindahan. Di nila pinaguusapan kung anong scale at time signature ang patok o pinagtatalunan kung paano pang paraan maipapakita nila ang walang hanggang pagmamahal nila kay Satanas. Simple lang ang kwentuhan, masama ang tao, maghahari ang kasamaan sa kabutihan, magkakaroon ng malawakang digmaan, masisira ang mundo, maraming maghihirap at mamamatay at wala ng pag-asa ang sangkatauhan. Ang cute naman diba? At dyan po sa mga daupang-palad na ganyan nabuo ang musikang Crust (o crustpunk). Marumi at magaspang ang tunog, stripped down, minimal ang lyrics na isinisigaw o tinitili, d-beat, may breakdown at singbilis ni Binoe sa chicks ang palo ng drums at pumapatak sa bawat kaskas ang dugo ng sansinukob.

Mula sa plataporma ng mga bandang Discharge, Amebix ,Hellbastard
, Antisect, etc., nakatayo ang bandang Atakke. Una silang pumasok sa kamalayan ko ng minsang me nabasa akong isang article tungkol sa mga babaeng mahilig sa heavy metal at isa doon ay ang isang hot chick na kahawig ni Lotis Key (dating gf ni idol Pidol) na nakatayong me hawak na vinyl ng Bolt Thrower. Nakalagay dun, ang pangalan nya ay Chloe Puke at bokalista daw sya ng bandang Atakke (pronounced a-TAK-ay). Curiousity killed the cat, ika nga, at nung nag-online ako, sinubukan kong i-type ang pangalan nya sa browser. Yun lang, kakaiba ang mga lumabas na mga larawan kaya na distract ako, at nakalimot pagkat ako ay tao lamang (marupok, kay daling lumimot). Fast forward last month, bigla akong inatake ng pagkalungkot at bigla kong hinanap ang mabigat na ingay sa tenga ko. Bigla ko silang naalala. At di naman ako nadismaya. Although, medyo limited ang mga facts sa internet tungkol sa kanila, (maliban sa myspace nila at konting write-ups) nalaman ko na base pala sila sa Brooklyn, New York at nagkapag-release na pala sila ng 2 eps, ang una ay ang 2008's March to the Gallows at ang kasunod nito na Avalance 2009 under Mountain of Madness records.Current line-up nila ay si
Chloe Puke - Vocals,
BillDozer - Guitar
Sam Awry - Guitar, vocals (gitarista rin ng Mutant Supremacy, Sun Descends)
Robert Facegrind - Drums (Mutant Supremacy)

Denis Holocaust – Bass.

Over the course ng paghahanap, naka-score din ako ng kopya ng March to the gallows. At masasabi ko lang... “LUPET”. Imagine-nin mo si Kris Aquino (na 10x hotter at mas panalo ang hair) na na-possessed ni Linda Blair at Speedy Gonzalez habang binubulyawan si Jame Jap, sa saliw ng Motorhead at Discharge, sa kalagitnaan ng nuclear holocaust.Tatlo lang ang kanta dito, ang pinakahaba ay under 4 mins., pero sapat na yun para mabuwisit ang kapitbahay. Pagbilang sa cymbals, sugod kagad ang four horsemen sabay wasiwas na ng kar
it. Short and sweet ang execution.Walang palabok o kung anu-anong litanya, gaya ng mga kontrabida sa mga pinoy action movies. Parang magnanakaw ng cellphone. Parang sparrow unit. Pag kumurap, tapos na. Akma ang music na ito sa mga anachropunks, metalheads, negative creeps, lumpen, katutubong ninakawan ng lupa, huramentadong MILF (yung political party ha, di yung iniisip mo...), bad trip na taxi driver, sidewalk vendor, tibak, mga fanboy at nanay ng makukulit na anak. Ayos.





Monday, June 28, 2010

roel cortez-best



Oi man. Noong huwebes ng gabi nadukutan ako ng cellphone. Pauwi ako noon galing sa trabaho sakay ng isang karag na bus. Nang ako’y pababa na sa may Rotonda, may mamang naka jacket na itim ang bumangga sa kin at nakipag-unahan sa pinto. Pinagbigyan ko sya at sumunod na bumaba pagkatapos nya. Paghakbang ko pa lang sa kalye e namalayan ko nang gumaan ang bulsa ko. Nakaramdam ako ng sobrang pagod sa totoo lang. Pagod din talaga ako noon sa trabaho.Wala akong nagawa kundi umuwi ng lulugo-lugo at mapabilang sa talaan ng National Statistics Office na bektema ng agaw-cellphone. (Wag mageng bektema!). Sa totoo lang din, di naman ako masyadong nanghinayang dun dahil medyo may kalumaan na yung unit at mahirap magtext dahil ang daming checheburetche at may problema na rin ang keypad. Dagdag mo pa dun na sa kapatid ko talaga ang cellphone na yun. Ayos. Nalungkot lang ako kasi nawala na yung mga numbers ng mga friendly friends ko na nakuha ko Linktv. Pano na ko makikipag-eyebol nyan? Hay.

Nang pauwi nako, nagmuni-muni ako kung paano ko ipagtatapat sa pamilya ko ang lahat. (naks). Naisip ko na lagyan ng kung anu-anong palabok ni Carlo J. Caparas ang kwento. Sasabihin ko na may humarang sakin na dalawang lalaki na sinlaki ni Derek Ramsey (pero di sing gwapo) at tinutukan ako ng beinte-nuwebe, nanlaban ako at nakipagbasagan ng mukha sa gitna ng edsa at napatumba ko sila,at dumating ang mga pulis Pasay at dinapot sila habang ang mga taong nagtitinda ng kwek-kwek at palamig ay nagpapalakpakan at ang mga kababaihang nag-aabang ng kostumer sa tapat Rotonda Lodge ay isa-isang hinimatay sa kilig, at nang may pulubing nagsabit sakin ng sampaguita at bumulong na wala daw silang pamasahe pauwing Calumpang ay kinaawaan ko kaya binigay ko ang aking cellphone upang kanilang maisanla. Ang dami ko pang naisip na kwento na mas exciting at bonggacious para mapagtakpan ang tutoong nangyari.

Pagdating ko sa bahay, iba ang eksena na nadatnan ko. Ang nanay ko e kinulit ako na kunin yung itak na naiwan sa dati naming tinitirhan (bagong lipat po kami) dahil maganda daw yun pambiyak ng nyog at galing pa yon sa lolo ko blah, blah, blah e sa totoo lang e kalawangin na yun at wala ng hawakan. Pagpasok ko sa kwarto e nadatnan ko ang kapatid kong me ari ng cellphone na minumura yung computer dahil ayaw gumana yung webcam na ini-install nya. Naisip ko tuloy na walang makikiramay sa pagdadalamhati ko. Walang yayakap sa kin at kukusutin ang buhok ko at sasabihing “there,there, it’s alright” , wala ring magtitimpla ng Sarsi na may itlog para gumaan ang pakiramdam ko at makatulog, magkukumot sa akin at papatay ng ilaw? Hay.

Kung ang buhay ay isang pelikula, di ka rin pala nakakasiguro na ikaw ang bida. Baka isa ka lang extra, parang yung isa sa mga hapon na pinapaulanan ng bala ni Da King na mapapansin mo sa susunod na eksena na bumagon para paulanan uli ng bala. Malay mo yung nandukot ng cellphone ko ang bida? Na kaya nya lang nagawa yun e para makabili ng gamot para sa kanyang nanay na may sakit, maibili ng wheelchair ang kapatid nyang nalumpo dahil naputukan ng plapla o kaya para pantustos sa kanyang pag-aaral ng abogasya para makaahon sila sa hirap at matupad ang pangarap nyang maging congressman at makatulong sa bayan? O kaya naman nandun sya ngayon sa beerhaus kasama ng tropa umiinom at me ka-table pa habang binibida kung paano nya naisahan yung isang gwapong lalaking medyo hawig ni Piolo pag di nag-ahit? O kaya rin naman e ginawa nya yun para kahit paano e mabuhay ng payak at maitawid ang pang-araw araw na pangangailangan? Hay ulit.

Naalala ko tuloy bigla si Roel Cortez. (hanep sa segue way!) Sa biglang dinig, napaka generic na pangalan para sa isang singer na patok ang mga awit. Unang reaksyon: Sino ba yun? Kaklase ba natin yun nung haiskul? Yun ba yung nasa row 2 katabi ni Brother Britennia, yung kaklase nating born again? Kapatid ba yun ni Rez? Sana man lang naisip nila na Bubble o Misalucha ang gamitin para me dating. Ang totoo nyan, mas marami satin ang nakakaalam ng kanta nya kesa sa pangalan nya. Di rin makatulong ang internet sa pagdagdag ng kaalam tungkol sa kanya, bagamat marami ring site ang nagbabanggit o nagpapatugtog ng kanta nya. Kaya wala rin akong masabing konkretong facts ukol sa kanyang pagkatao. Dinaig nya pa si Mystery Boy, yung bini-build-up na singer ni Kuya Germs na nakamaskara, na sumikat ng bahagya pero naunsyame ang career ng magpakita ng mukha.

Siguro sa isang yugto ng buhay mo narinig mo na sya, sa radio,sa tv,sa pampublikong sa sasakyan, sa beerhaws, bilyarang merong jukebox at sa mga call centers. Isa sa pinakamalaki nyang hit ay ang kantang “Napakasakit Kuya Eddie”, na theme song ng Kahapon Lamang ni Eddie Ilarde, (isa sa mga pioneer na payo-drama genre na pinaghugutan ng format ng MMK at Magpakailanman). Naghit noong dekada 80’s sa kasagsagan ng OFW Diaspora, ito’y nagkwewento ng isang mapait na karanasan ng isang amang nagtungo sa “mainit na syudad sa bansa ng Arabyano” upang “magbanat ng buto” at maiahon ang pamilya sa kahirapan, ngunit nagulantang ng makatanggap ng sulat sa anak na nagsabing “itay umuwi ka, dalian mo lang sana, si inay ay may-iba, nagtataksil sayo ama”. At nang paguwi nya, nadatnan nya na sabog ang kanyang anak, nadagdagan pa ng isa ang dalawa niyang anak at ang butihin nyang maybahay ay sumama sa kanyang kalaguyo at tinangay ang kanilang pera. Napakasakit talaga! At ang malupet pa dun, e nagamit nya pa ang salitang “Marijuana” sa isang pop song.Genius dipo ba?

Sa kanya naman naka-credit ang tagalong version ng “Baleleng”. (yung Bisaya e kay Max Surban, ang Gary V ng mga bisayang daku). May version din nito ang kumedyanteng Amboy na si Norman Mitchel na ganito ang lyrics; I have 2 hands Baleleng, the left and the right, hold them up high Baleleng so clean and bright, clap them softly Baleleng 123, clean little hands Baleleng are good to see. Natandaan ko na ginawa pa itong pelikula nuon, parang another version ng Dyesebel, ang sirena, na pinabidahan ng mistisang ex ni Goma na maikli ang buhok. (na nakalimutan ko ang pangalan, Patricia Borromeo ata). Ang kantang ito, bagamat isang seryosong ballad, marahil ang naging precursor ng isa ring hit na “Dayangdayang”, na isa namang ballad na panghataw.Di ako masyado sure dyan.

“Tutulungan kita” naman ang isa sa mga klasikong Jukebox Hit, at maihahanay sa mga malulupet na awiting “Walang Kaliwaan” ni Cristy Mendoza, “Bakit” ni Imelda Papin (simulat sapul mahal kita, nalalaman mo…), “Bakit ako Mahihiya” ni Didith Reyes, “Kung ang irog mo ay dalawa (palayain ang isa) (di ko alam kung sino kumanta), and the likes. Natataka nga ako kung bakit di ito kinakanta ng mga contestant na lalaki sa Pinoy Pop Superstar gayong hitik na hitik ito sa emosyon at pamatay ang korus na “Tutulungan kita malimot mo sya, ibabalik ang dati mong sigla, muling gagamutin puso mong sinugatan, sugat na dulot ng salawahan…malilimot mo sya, tutulungan kita”. Kung may theme song ang PCSO nuong araw, eto na yun.Tipong pangkawang-gawa talaga.

“Sa mata makikita” naman ay medyo folk/country ang areglo na laging pinapatugtog tuwing hapon sa FRC (folk,rock,country) sa DM 95.5 noong mga panahong wala pang Love Radio. Maituturing na ultimate “torpe song” ito kung pakikinggan ang lyrics: “Kailangan pa bang ako ay tanungin? Kailangan pa bang ito ay bigkasin? Na mahal kita, at wala ng iba, dyan mo makikita sa aking mga mata”. Pwede rin itong theme song ng mga mutaing may sore eyes. Naalala ko nun, me crush ako (naks) na nagpa-transcribe ng lyrics ng “On the wings of Love” mula sa tape nya. Nagawa ko naman kaya lang medyo bumaba ang pagtingin ko sa kanya dahil nasaktan ang “nyuweyb” pride ko. Nang ibigay ko ang kopya, buong lambing nyang tinanong kung me lyrics ba ako ng “Sa mata makikita” ? Astig. Jologs din pala.

Marami pa siyang naging hit sa koleksyong ito, gaya ng “Iniibig Kita”, “Iba ka sa lahat”, “Dalagang probinsiyana”, “Pinay sa Japan”, at ang kantang “Kahit ako ay pangit”, na di ko malilimutan dahil muntik na kaming magulpe dahil dyan. Minsan sa isang beerhaws sa Taguig, napadaan ang tropa. Saktong me Jukebox, kaya ako ay nagmagaling na magpatugtog. Pinili ko ang kantang ito para magpakwela. Akala ko ayaw gumana kaya paulit-ulit kong pinindot ang number. Naaliw naman ang crowd ng tumugtog na. Kaya lang, nagsimulang umasim ang mukha ng mga mamang tumador nang umulit ito. Sa kalagitnaan ng pangatlong ulit, isa-isa na kaming sumibat dahil umiinit na ang tingin sa paligid at nagpapatunog na sila ng kamao. Whew.

Sa ngayon,madalang mo nang marinig ang kanta nya. Sa isang thread nga sa isang internet forum, may naghahanap ng lyrics ng kanta nya dahil paborito daw nila yun, tapos sabay itatanong kung sino daw ang kumanta? Napaka-ironic kung iisipin. Huling balita ko, ayon sa tiyo kong chickboy, e nanalo daw si Roel Cortez sa lotto, kaya lang yung tiket e napunta sa isang kamag-anak nya. Nagkaroon daw ng pagtatalo na nauwi sa kanyang pagkakapaslang. Di ko alam kung may bahid ito ng katotohan o pawing kathang isip lamang ng tiyo ko na madalas ding nasa impluwensiya ng Tanduay. O kaya naman e me kakilala talaga siya na ang pangalan e Roel Cortez din at nangyari talaga ang insidente. Ilang lalaki ba sa talaan ng NBI ang may ganitong pangalan? Mahirap talaga ispelengin ang kapalaran. Naisip ko tuloy bigla, paano kung lahat ng mga nakakakilala talaga sayo ng tunay e namatay na, di parang di kana nag-exist nun? Oo nga’t nakalista ka sa NSO, pero wala nang makapagkwento kung ano at sino ka talaga. Na minsan sa isang yugto ng buhay mong parang pelikula, e hindi ka lang hamak na extra na nadaanan lang saglit ng camera. Na minsan, kahit paminsan-minsan lang, naging bida ka sa paningin nila. Ayos.


ADDENDUM: ang buhay nga naman, malaking kabalintunaan talaga. Pagkalipas ng ilang taon na naipost ko ito sa isa ko pang blog, e nakakatuwa naman na nagkaroon na ng http://roelcortez.blogspot.com/, gawa ng isang fan malamang at may kaunti nang impormasyon tungkol sa whereabouts nya. At ang mas cool pa dun, kung mapapansin ang write-up, me linya duon na direktang kinuha dun sa sinulat ko! Astig di po ba, ibig sabihin me nagbasa nung pagkahaba-habang -walang-kwentang gawa ko he he. Kung sino kaman, mabuhay ka at wag kalimutang magparami ng lahi! Ayos.


Tuesday, July 28, 2009

magnetic fields-69 lovesongs

Oi man. Alam ko medyo natagalan to. Na-depressed kasi ako ng ilang buwan. Sa totoo lang ganon pa rin ako ngayon kahit medyo slight na lang.Nakabuti ang pagpapadala sakin sa Rehab at ang pagreseta sa kin ng duktor ng gamut na pamparobot. Ito yung binibigay sa mga pasyente na may violent tendencies at rikomendado ito ni Juan Flavier sa pakikipagtulungan ng National Mental Hospital. May logo pa nga ito ng DOH sa baba at Sangkap Pinoy seal sa tabi ng barcode at imahin ng bungo at ekis na buto. Sabi sakin ni Dok di maglalaon e makakabalik na rin ako sa normal at magiging kapakipakinabang na myembro ng lipunan. Bawasan ko na lang daw ang pag-akyat akyat sa malaking billboard ni Gretchen Baretto malapit sa tulay ng Guadalupe at pakikinig sa bandang Magnetic Fields.

Hay. Siguro yung una nyang request magagawan ko ng paraan ( dahil mas ok yung malaking tarpolin ni Piolo Pascual sa may Magallanes), pero ang bumitaw sa Magnetic Fields e mahirap yatang gawin. Lalo na ngayong may bago na namang kanta si Toni Gonzaga at me bago na namang Sam Milby-wannabe na sumisikat .Oo yung amboy na me kulay ang emo-style na buhok na ang pangalan e Chris. Gwapo sya ha in fairness.

Alam ko Ate Charo, itatanong mo sakin kung ano bang meron ang Magnetic Fields na wala ang mga Star Circle Questor at Pinoy Dream Academy alumni. Wala naman masyado.Lamang lang sila ng 12 calories, 32 flavors (and then some) at syempre 69 lovesongs.

Tandang-tanda ko pa ang lahat, …(pasok ang Ballade pour Adeline ni Richard Clayderman, focus sa bulaklak tapos fade )… Una kong nakilala ang miserableng henyong New Yorker na si Stephin Merritt at ang kanyang bandang walang atrasan sa album na “Get Lost” (1995 Merge Records). Sa unang tingin, malalaman mo agad na dekada 80’s ang pinaghugutan nila ng impluwensya. Tunog lo-fi na synthpop, tapos ang boses e parang sa Human League (yung kumanta ng walang kamatayang”Human” at nang personal favorite ko na “Lois” ) kaya nagustuhan ko sila agad. Parang nakikinig ka ng ibat ibang version ng “Electric Dreams”.Pero may dagdag na banjo, ukulele, atbp. Lumabas din ang husay ni Merrit sa pop sensibilities at pagsusulat ng lyrics, na karaniwan ay tungkol sa pag-ibig. Malupet lahat para sakin ang mga kanta dito.Stand-outs ay ang “With Whom To Dance” (na parang balse),”You and Me and the Moon”, ”Save a Secret to the Moon”, ”Love is Lighter than Air”, “All the Umbrellas in London
”.

Ang pagka-obsessed nya rin siguro sa paksa ng pag-ibig ang nagtulak sa kanya na gawin ang concept album na 69 Lovesongs (1999). Sa kinauukulan: ang 69 Lovesongs po ay hindi pamagat ng bagong kanta ng Grin Department tungkol sa paborito nilang “mouth-to-mouth resuscitation” technique. Binubuo ng 3 cds na may 69 songs (23 kada isang disc para sa mahilig sa Math), ito ay tumatalakay ng ibat-ibang mukha at stages ng pag-ibig na karaniwang tinatalakay din ng palabas na “Young Love, Sweet Love” ni Kuya Germs (para sa mga bagets then) o kaya naman ng “All About Your Love” (para sa mga bagets now). Alam ko itatanong nyo ulit Ate Charo kung bakit ang babaduy ng analogy ko. In fact,sine-celibrate ng album nito ang lahat katangian at kapintasan ng pag-ibig at damay na rito ang bonus na tagihawat sa ilong. From the most sublime and romantic interpretation of love, to the saddest, most painfully miserable and even to the corniest. In fact, binudburan pa ng cliché, shopworn phrases at sappy lines ang lyrics kay di mo malaman kung ginu-goodtime ka lang o binibigyan ng isang napakatinong payo. Sabi nga ni Rey Valera
,”ang pag-ibig ay sadyang ganyan”. Minsan para kang lumulutang sa ulap at nagsasaboy ng petals s
a daan, minsan bigla mo na lang isusulat ang pangalan ng crush mo nang paulit-ulit sa papel at maglalaro ng F.L.A.M.E.S., minsan kinikilig ka pang ilagay ang initials nya sa slumbook, ang picture nya sa locker, sa locket, at sa dinding ng banyo. At kung minsan naman basang-basa ka sa ulan at walang masilungan, at gusto mo nang tumalon na lang sa riles ng LRT at magpasagasa, parang pirat na pusang gala sa gitna ng EDSA. Ika nga ng Salbakuta, “wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac”. At doon makikita ang genius nito. Pinaghalong-kalamay pa ang estilo ng mga kanta mula sa piano ballads, folk music, country and western rock, jangly 80’s pop, 60’s pop (ala Phil Spector na tipong “Be my Baby” ng The Ronnettes),synthpop, indiepop, Beachboys ,Gary Numan at minsan may hint ng European music na soundtrack ng mga lumang French fiims. Required dito ang kakatwang sense of humor para patugtugin dahil its either makasapak ka ng ka-opismate dahil sa kaaasar o kaya naman e masapak ka ng ka-opismate mo sa sobrang asar. Sumatutal, lahat panalo. Ang tagumpay mo ay tagumpay ng bawat Pilipino! Genius dipo ba?

Sa dami ng kanta dito, normal na ipalagay na merong part na nakakabato na tipong fillers lang, pero so far sa ilang buwan na pagpapatugtog ko nito sa rehab, Ate Charo, e di ko pa nafeel yon. Habang lumalaon nga e may maliliit pa na surpresa akong nadidiskubre na aking kinatutuwa kahit akoy magisa. Kaya lang napapanay din ang pag-injection sakin ng gamot. Ang mga paborito ko dito ay ang mga sumusunod; “Busby Berkeley Dreams”, isang makabagbag damdaming piano ballad tungkol sa di malimutang lumang pag-ibig. (Trivia: si Busby Berkeley po ay isang Hollywood
director ng musicals noong dekada 30’s na nagpasikat ng mga highly-stylized and choreographed dance sequence (parang synchronized swimming). Sinasabi ng narrator ng kanta na kahit din na sila nagkikita e parang nasa isang magarbong musical number pa rin siya kapag naaalala nya siya; “The Book of Love”, na may linyang- “the book of love is long and boring, no one can lift that damn thing, its full of maps & charts & figures, & instructions for dancing, but I love it when you read to me and you can read me anything”; ang bittersweet na “The Luckiest Guy on the Lower East Side” na tungkol sa isang babaeng maraming suitors at isang pangit na lalaki na kaya nya lang pinapansin ay dahil sya lang ang may kotse at mahilig siyang mamasyal. Parang Gene Kelly musical number pa ang tono nito at sinulat sa point of view ng lalaking pangit kaya mas masakit kahit masaya; ang mala-Europeong “The Night You Can’t Remember” tungkol sa isang army officer na nag RNR at nakabuntis; at ang napakalungkot at ironic na “Papa Was a Rodeo”, tungkol sa isang taong ayaw sa commitment na nang main-love ay sa isang katulad nya pa. Pasok rin ang “Promises of Eternity”, “Meaningless”, “A Chicken with his Head Cut off”, “Fido, Your Leash is Too Long”, “I Think I Need a New Heart”, “Reno Dakota”, “I Don’t Wanna Get Over You”, ”Punk Love”, ”Underwear”, “Absolutely Cuckcoo”, etc. In fact, kung walang pipigil sakin e malamang isulat ko na lahat ng kanta, kaya lang pagod na ko at pinatay na ng nightshift nurse ang ilaw. Bukod sa boses ni Meritt at nang kabanda nyang si Claudia Gonson, guest rin dito sina Shirley Simms, Dudley Klute, LD Beghtol, violinist na si Ida Pearle at ang sikat na si Daniel Handler a.k.a Lemony Snicket na tumugtog ng accordion.

Para sa in-love, so in love, inside of love, love to love, all about love, all for love, fell out of love, never my love, what now my love at all out of love (so lost without you). Naalala ko tuloy yung episode ng Parker Lois Can’t Lose, kung saan nag-attempt yung nerd nilang alalay na magpasiklab sa utol ni Parker at gumawa ng ilawang signage na “Love is Shelley”, kaso lang napundi ang ibang bumbilya sa letra kaya ang lumabas e ”Love is _hell__”. Indeed, love is a many splendoured thing kung ano man ang ibig sabihin nun. Sabi nga ni Ka Andres, “aling pag-ibig pa ang hihigit kaya?”, sagot naman ni WowwowWilly, “ pag-ibig natin ay parang coke at bananacue”. Malalim at mababaw, malabo
at malinaw, matalino at mangmang, marunong at nagmamarunong.
Maraming salamat Ate Charo sa pagpapaunlak mo sa aking munting liham at naway kinapulutan nyo ng aral ang aking mga nilahad. Sana
ay nagustuhan nyo rin ang padala kong handicraft project na bote ng Tanduay na may maliit na barko sa loob. Request ko lang sana
na si Papa Jestoni ang gumanap sa akin dahil macho siya tulad ko.

Lubos na gumagalang,
Taurus boy 69
ng Malaybalay, Bukidnon










belle and sebastian-if you're feeling sinister


Oi man. Aksidente lang ang pagkadiskubre ko sa grupong Belle and Sebastian.Napanuod ko ang video ng ” Is it wicked not to care?” sa isang malabong test broadcast ng isang music channel (di ko na maalala kung MTV ba o Channel V), nuong mga panahon na di pa malawak ang cable ( o ang pagnanakaw ng cable). Naintriga ako kaagad sa mga imahen ng patpating lalake at babae nakapang-prinsipe abante na kumakanta sa gitna ng gubat, sa itaas ng puno at sa damuhan.Idagdag mo pa ang boses ng babae na parang bumubulong sa saliw ng tinatamad na gitara.Parang kakaiba nga, kung iisipin na kagagaling palang ng mundo sa maingay at galit na galit na grunge. Natagalan pa bago ako nakakuha ng kopya ng album na “The Boy with the Arab Strap”, kung saan lumabas ang kanta .Pero mas una akong nakakuha ng kopya ng “If You’re Feeling Sinister”, ang pangalawang album nila (August,1996 under Jeepster Records).Sa araw-araw kong pagpapatugtog non, ang komento ng tatay ko, “budlay kaayo” (”sobrang nakakatamad” sa bisaya) na siya namang aking kinatuwa. Dati kasi tinanong nya ko kung ako ay kasapi ng kultong Satanista dahil sa mga pinakikinggan ko.Ang grupo ay nabuo sa Glasgow,Scotland noong January 1996,nang makilala ni Stuart Murdoch ang bahistang si Stuart David. Nakuha nila ang pangalan nila sa isang children’s book ng Pranses na si Cecile Aubry,tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bata at ng kanyang alagang aso.Pinili nila iyon dahil di nila nagustuhan ang” The Tukayos”. Gumawa sila ng mga demo hanggang makabuo ng una nilang album na “Tigermilk”. Dumagdag na rin sina Stevie Jackson (gitara), Chris Geddes (keys), Richard Colburn (drums),Sarah Martin (violin/boses), at ang malupet na si Isobel Campbell (cello/boses).Sa ngayon nagbago na ang line -up na ito, ung iba umalis o kaya napalitan, (gaya ni Isobel Campbell na bumuo ng The Gentle Waves). Medyo nagbago na rin ang tunog nila, most notably sa dalawang huling album nila na “Dear Catastrophe Waitress”(2003), at “The Life Pursuit”(2005).Noong una kina-classify silang tweepop, pero bukod sa di nila nagustuhan yon, masalimuot ang wit, cynical at dark ang humor ng mga topic ng kanta nila, kahit na nababalot ito ng matamis na tono.Dagdag mo pa ang boses ni Stuart Murdoch na parang inaantok na Nick Drake. Sa pelikulang “High Fidelity”, diniscribe ng karacter ni Jack Black ang music nila na “sad old bastard music”.Yung iba naman tinawag itong “chamberpop’ dahil sa paggamit nila ng instrumentong di karaniwan sa pop gaya ng cello,violin at torotot. Kung ano man ang tamang tawag doon, mapupuri ang grupo sa paglalagay ng “literate” na lyrics, clever na salita at phrases, at nakakaaliw na “outsider” na obserbasyon tungkol sa paligid. Parang nanuod ka ng “Beauty and the Geeks” at pinakinggan mo ang obserbasyon ng isang nerd contestant. Nakakatawa,medyo childish pero may laman at may kurot sa puso dahil may katotohanan. “Revenge of the Nerd Music” ba ito na sinulat para panlaban sa mundo ng magagandang Cheerleaders at matitipunong Jocks? Maari. Iisipin mo na soundtrack ito ng High School life mo na di na-discuss ni Ate Showie dahil nasa Row 1 sya at anak sya ng Mayor ng Pasay. Eto yung mga sinulat sa imaginary theme writing paper ng mga kaklase mong kadalasang tinatawag na “ulo”,”putok”, “beho”,”baboy”,”negro”,”kuhol”,”tagyawat”, “prinsipe K”,”babet”,”godzilla”,”butete”,”manay”,”tagos”,”tae” at iba pa.At ang masaklap dun, gaya ko e malamang kasama ka rin dun sa “at iba pa”,at may pantawag rin sayo ang mga pogitong mapalad na naka-Reebok, at ang mga nag-gagandahang dalagingding na naka-”pugad look” ang buhok, shoulder pads at naka Swatch (dahil nasa Saudi si Papa at Japayuki si Mama).Malupet lahat ng kanta dito para sa akin, gaya ng ‘The Star of Track and Fields”,”Fox in the Snow”, “Judie and the Dream of Horses”, “Me and the Major” (nagpa-alala sakin ng pelikulang “Scent of a Woman”), “Mayfly”, “If You’re Feeling Sinister” (parang “A Day in a life” ng Beatles),”Seeing Other People”,”Dylan in the Movies”,”The Boy Done Wrong Again” at “Get me Away from Here I’m Dying” (na theme song ko sa opisina) among others.Para ito sa mahilig sa dry sense of humor at wit ng mga British, medyo 60’s folk/pop ng Simon and Garfunkel, Nick Drake,”nyuweyb” banat ng The Smiths, 80’s indie, 90’s angas, at mga alumni ng Lamda Lamda Lamda Fraternity.Ayos.










Vilma Santos - Collection

Oi man. Kapag binanggit ang pangalang Vilma Santos, agad mong maiisip ang mga kilalang pantawag sa kanya gaya ng Star for all Seasons, Trudis Liit, Darna, V.I.P., Sister Stella L, Baby China, Burlesk Queen at Mayor ng Lipa.Pero lingid sa mga miyembro ng Solid Vilmanians, may secret identity ang lola mo.At batay sa ebidensiyang nakalap at tinipon sa album na ito, ay malinaw at walang kaduda-dudang, syento-porsiyentong katotohanan na si Ate Vi ang Reyna ng Tweepop sa Pilipinas.Opo mga kaibigan, at may version pa siya ng “Tweedle dee” bilang pag-amin.
May napanuod ako dati na interview ng isang director na nakalimutan ko na ang pangalan at pabiro nyang sinabi nya na nagtataka sya kung bakit pumatok sa tao ang kanta ni Ate Vi gayong “parang pinupunit na yero” daw ang boses nya.Marahil nga na walang panama kung ihahambing ang singing powers nya sa nagiisang Superstar at drug dependent na si Miss Nora Aunor, pero palagay ko huli nya ang “feel” ng 60’s pop.Masayahing melody? Check. Simple at di kumplekadong Lyrics? Check.Surf guitar, gumugulong na bass, Moog keyboards at energetic drumbeat? Check.Plus over-all impact at audience applause equals 100% nourished Twee.At kung ngayon lang ini-release ito ay malamang mapagkakamalan mong itong under Shelflife,Siesta, o Sarah Records o kaya ay nadamay ito sa ultra rare na C-86 na compilation.
Ang mga stand-outs sa album na ito ay ang mga sumusunod: Ang makabagbag-damdaming ”Sweet Sixteen”, na kung iyong pakikinggan ay parang Shonen Knife ang kumanta. “When the clock strikes one”, complete with coockoo clock at tilaok ng manok side effects ay masarap patugtugin sa umaga habang naghahanda ka para pumasok. “Then along came you,Edgar”, na obviously ay para kay Bobot, ay parang syrup na pwede mong ilagay sa iyong Jollypancake at tipong All Girl Summer Fun Band ang banat at ang pinaka paborito
ko sa lahat (ewan ko ba) na “It’s wonderfull to be in Love”, na may keyboard hataw na makagpapapula ng pisngi ng mga tagahanga ng bandang Rocketship. Maayos din ang mga cover songs nya rito tulad ng “The birds and the Bees”,”The Rick Tick Song”, “Sealed with a Kiss” at iba pa.May tanong lang ako, yung sa lyrics ng “The birds and the bees”, akala ko “ and the thing called love” yon pero sa version ni Ate Vi e “a fling called love”.Di ko alam kong mali ako ng dinig o may kinalaman ito sa mga lalaki sa kanyang buhay (eg. Bobot,Romeo Vasquez, Edu Manzano,atbp)? Anyway, yon ang sabi nya e.Sino ba naman ako para kumontra kay Darna.
Ang album na ito ay para sa mahilig sa Twee,indiepop at 60’s girl group at mga bandang katulad ng Shonen Knife, Aisler Set,All Girl Summer Fun Band, Rocketship, Dear Nora, The Shermans, Majestic,Cardigans,Snow Fairies,The Arrogants,The Softies, si Rose Melberg at maraming-marami pa.Ito rin ay magandang soundtrack habang naglalakad kayo sa paligid ng mga dinosaur sa Luneta ng S.O. mo, at ng e-H.H.W.W. at pa-S.S. pa, o kaya naman nanduon kayo sa platform ng breakwater sa Roxas Blvd. at slow motion na tumatakbo papunta sa isat-isa at kapag nagkaharap na ay bubuhatin ang babae at itataas habang ang tanyag na Sunset ng Manila Bay ay nasa inyong background, at ang mga puno ng nyog ay tila kumakaway sa hangin at ang mga maliliit na bangka at barko ay parang tuldok lang sa malawak at maasul na kalangitan. Tapos may kakalabit sa inyo na lalake at sasabihin na “Bos gusto nyo ng babae? Estudyante bos,malinis? At magkakatinginan kayo sa isat-isa dahil sa wakas ay matutupad na ang matagal nyo nang minimithing pangarap na threesome. Ayos.