Oi man. Aksidente lang ang pagkadiskubre ko sa grupong Belle and Sebastian.Napanuod ko ang video ng ” Is it wicked not to care?” sa isang malabong test broadcast ng isang music channel (di ko na maalala kung MTV ba o Channel V), nuong mga panahon na di pa malawak ang cable ( o ang pagnanakaw ng cable). Naintriga ako kaagad sa mga imahen ng patpating lalake at babae nakapang-prinsipe abante na kumakanta sa gitna ng gubat, sa itaas ng puno at sa damuhan.Idagdag mo pa ang boses ng babae na parang bumubulong sa saliw ng tinatamad na gitara.Parang kakaiba nga, kung iisipin na kagagaling palang ng mundo sa maingay at galit na galit na grunge. Natagalan pa bago ako nakakuha ng kopya ng album na “The Boy with the Arab Strap”, kung saan lumabas ang kanta .Pero mas una akong nakakuha ng kopya ng “If You’re Feeling Sinister”, ang pangalawang album nila (August,1996 under Jeepster Records).Sa araw-araw kong pagpapatugtog non, ang komento ng tatay ko, “budlay kaayo” (”sobrang nakakatamad” sa bisaya) na siya namang aking kinatuwa. Dati kasi tinanong nya ko kung ako ay kasapi ng kultong Satanista dahil sa mga pinakikinggan ko.Ang grupo ay nabuo sa Glasgow,Scotland noong January 1996,nang makilala ni Stuart Murdoch ang bahistang si Stuart David. Nakuha nila ang pangalan nila sa isang children’s book ng Pranses na si Cecile Aubry,tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bata at ng kanyang alagang aso.Pinili nila iyon dahil di nila nagustuhan ang” The Tukayos”. Gumawa sila ng mga demo hanggang makabuo ng una nilang album na “Tigermilk”. Dumagdag na rin sina Stevie Jackson (gitara), Chris Geddes (keys), Richard Colburn (drums),Sarah Martin (violin/boses), at ang malupet na si Isobel Campbell (cello/boses).Sa ngayon nagbago na ang line -up na ito, ung iba umalis o kaya napalitan, (gaya ni Isobel Campbell na bumuo ng The Gentle Waves). Medyo nagbago na rin ang tunog nila, most notably sa dalawang huling album nila na “Dear Catastrophe Waitress”(2003), at “The Life Pursuit”(2005).Noong una kina-classify silang tweepop, pero bukod sa di nila nagustuhan yon, masalimuot ang wit, cynical at dark ang humor ng mga topic ng kanta nila, kahit na nababalot ito ng matamis na tono.Dagdag mo pa ang boses ni Stuart Murdoch na parang inaantok na Nick Drake. Sa pelikulang “High Fidelity”, diniscribe ng karacter ni Jack Black ang music nila na “sad old bastard music”.Yung iba naman tinawag itong “chamberpop’ dahil sa paggamit nila ng instrumentong di karaniwan sa pop gaya ng cello,violin at torotot. Kung ano man ang tamang tawag doon, mapupuri ang grupo sa paglalagay ng “literate” na lyrics, clever na salita at phrases, at nakakaaliw na “outsider” na obserbasyon tungkol sa paligid. Parang nanuod ka ng “Beauty and the Geeks” at pinakinggan mo ang obserbasyon ng isang nerd contestant. Nakakatawa,medyo childish pero may laman at may kurot sa puso dahil may katotohanan. “Revenge of the Nerd Music” ba ito na sinulat para panlaban sa mundo ng magagandang Cheerleaders at matitipunong Jocks? Maari. Iisipin mo na soundtrack ito ng High School life mo na di na-discuss ni Ate Showie dahil nasa Row 1 sya at anak sya ng Mayor ng Pasay. Eto yung mga sinulat sa imaginary theme writing paper ng mga kaklase mong kadalasang tinatawag na “ulo”,”putok”, “beho”,”baboy”,”negro”,”kuhol”,”tagyawat”, “prinsipe K”,”babet”,”godzilla”,”butete”,”manay”,”tagos”,”tae” at iba pa.At ang masaklap dun, gaya ko e malamang kasama ka rin dun sa “at iba pa”,at may pantawag rin sayo ang mga pogitong mapalad na naka-Reebok, at ang mga nag-gagandahang dalagingding na naka-”pugad look” ang buhok, shoulder pads at naka Swatch (dahil nasa Saudi si Papa at Japayuki si Mama).Malupet lahat ng kanta dito para sa akin, gaya ng ‘The Star of Track and Fields”,”Fox in the Snow”, “Judie and the Dream of Horses”, “Me and the Major” (nagpa-alala sakin ng pelikulang “Scent of a Woman”), “Mayfly”, “If You’re Feeling Sinister” (parang “A Day in a life” ng Beatles),”Seeing Other People”,”Dylan in the Movies”,”The Boy Done Wrong Again” at “Get me Away from Here I’m Dying” (na theme song ko sa opisina) among others.Para ito sa mahilig sa dry sense of humor at wit ng mga British, medyo 60’s folk/pop ng Simon and Garfunkel, Nick Drake,”nyuweyb” banat ng The Smiths, 80’s indie, 90’s angas, at mga alumni ng Lamda Lamda Lamda Fraternity.Ayos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment