Oi man. Alam ko medyo natagalan to. Na-depressed kasi ako ng ilang buwan. Sa totoo lang ganon pa rin ako ngayon kahit medyo slight na lang.Nakabuti ang pagpapadala sakin sa Rehab at ang pagreseta sa kin ng duktor ng gamut na pamparobot. Ito yung binibigay sa mga pasyente na may violent tendencies at rikomendado ito ni Juan Flavier sa pakikipagtulungan ng National Mental Hospital. May logo pa nga ito ng DOH sa baba at Sangkap Pinoy seal sa tabi ng barcode at imahin ng bungo at ekis na buto. Sabi sakin ni Dok di maglalaon e makakabalik na rin ako sa normal at magiging kapakipakinabang na myembro ng lipunan. Bawasan ko na lang daw ang pag-akyat akyat sa malaking billboard ni Gretchen Baretto malapit sa tulay ng Guadalupe at pakikinig sa bandang Magnetic Fields.
Hay. Siguro yung una nyang request magagawan ko ng paraan ( dahil mas ok yung malaking tarpolin ni Piolo Pascual sa may Magallanes), pero ang bumitaw sa Magnetic Fields e mahirap yatang gawin. Lalo na ngayong may bago na namang kanta si Toni Gonzaga at me bago na namang Sam Milby-wannabe na sumisikat .Oo yung amboy na me kulay ang emo-style na buhok na ang pangalan e Chris. Gwapo sya ha in fairness.
Alam ko Ate Charo, itatanong mo sakin kung ano bang meron ang Magnetic Fields na wala ang mga Star Circle Questor at Pinoy Dream Academy alumni. Wala naman masyado.Lamang lang sila ng 12 calories, 32 flavors (and then some) at syempre 69 lovesongs.
Tandang-tanda ko pa ang lahat, …(pasok ang Ballade pour Adeline ni Richard Clayderman, focus sa bulaklak tapos fade )… Una kong nakilala ang miserableng henyong New Yorker na si Stephin Merritt at ang kanyang bandang walang atrasan sa album na “Get Lost” (1995 Merge Records). Sa unang tingin, malalaman mo agad na dekada 80’s ang pinaghugutan nila ng impluwensya. Tunog lo-fi na synthpop, tapos ang boses e parang sa Human League (yung kumanta ng walang kamatayang”Human” at nang personal favorite ko na “Lois” ) kaya nagustuhan ko sila agad. Parang nakikinig ka ng ibat ibang version ng “Electric Dreams”.Pero may dagdag na banjo, ukulele, atbp. Lumabas din ang husay ni Merrit sa pop sensibilities at pagsusulat ng lyrics, na karaniwan ay tungkol sa pag-ibig. Malupet lahat para sakin ang mga kanta dito.Stand-outs ay ang “With Whom To Dance” (na parang balse),”You and Me and the Moon”, ”Save a Secret to the Moon”, ”Love is Lighter than Air”, “All the Umbrellas in London
”.
”.
Ang pagka-obsessed nya rin siguro sa paksa ng pag-ibig ang nagtulak sa kanya na gawin ang concept album na 69 Lovesongs (1999). Sa kinauukulan: ang 69 Lovesongs po ay hindi pamagat ng bagong kanta ng Grin Department tungkol sa paborito nilang “mouth-to-mouth resuscitation” technique. Binubuo ng 3 cds na may 69 songs (23 kada isang disc para sa mahilig sa Math), ito ay tumatalakay ng ibat-ibang mukha at stages ng pag-ibig na karaniwang tinatalakay din ng palabas na “Young Love, Sweet Love” ni Kuya Germs (para sa mga bagets then) o kaya naman ng “All About Your Love” (para sa mga bagets now). Alam ko itatanong nyo ulit Ate Charo kung bakit ang babaduy ng analogy ko. In fact,sine-celibrate ng album nito ang lahat katangian at kapintasan ng pag-ibig at damay na rito ang bonus na tagihawat sa ilong. From the most sublime and romantic interpretation of love, to the saddest, most painfully miserable and even to the corniest. In fact, binudburan pa ng cliché, shopworn phrases at sappy lines ang lyrics kay di mo malaman kung ginu-goodtime ka lang o binibigyan ng isang napakatinong payo. Sabi nga ni Rey Valera
,”ang pag-ibig ay sadyang ganyan”. Minsan para kang lumulutang sa ulap at nagsasaboy ng petals sa daan, minsan bigla mo na lang isusulat ang pangalan ng crush mo nang paulit-ulit sa papel at maglalaro ng F.L.A.M.E.S., minsan kinikilig ka pang ilagay ang initials nya sa slumbook, ang picture nya sa locker, sa locket, at sa dinding ng banyo. At kung minsan naman basang-basa ka sa ulan at walang masilungan, at gusto mo nang tumalon na lang sa riles ng LRT at magpasagasa, parang pirat na pusang gala sa gitna ng EDSA. Ika nga ng Salbakuta, “wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac”. At doon makikita ang genius nito. Pinaghalong-kalamay pa ang estilo ng mga kanta mula sa piano ballads, folk music, country and western rock, jangly 80’s pop, 60’s pop (ala Phil Spector na tipong “Be my Baby” ng The Ronnettes),synthpop, indiepop, Beachboys ,Gary Numan at minsan may hint ng European music na soundtrack ng mga lumang French fiims. Required dito ang kakatwang sense of humor para patugtugin dahil its either makasapak ka ng ka-opismate dahil sa kaaasar o kaya naman e masapak ka ng ka-opismate mo sa sobrang asar. Sumatutal, lahat panalo. Ang tagumpay mo ay tagumpay ng bawat Pilipino! Genius dipo ba?

Sa dami ng kanta dito, normal na ipalagay na merong part na nakakabato na tipong fillers lang, pero so far sa ilang buwan na pagpapatugtog ko nito sa rehab, Ate Charo, e di ko pa nafeel yon. Habang lumalaon nga e may maliliit pa na surpresa akong nadidiskubre na aking kinatutuwa kahit akoy magisa. Kaya lang napapanay din ang pag-injection sakin ng gamot. Ang mga paborito ko dito ay ang mga sumusunod; “Busby Berkeley Dreams”, isang makabagbag damdaming piano ballad tungkol sa di malimutang lumang pag-ibig. (Trivia: si Busby Berkeley po ay isang Hollywood
director ng musicals noong dekada 30’s na nagpasikat ng mga highly-stylized and choreographed dance sequence (parang synchronized swimming). Sinasabi ng narrator ng kanta na kahit din na sila nagkikita e parang nasa isang magarbong musical number pa rin siya kapag naaalala nya siya; “The Book of Love”, na may linyang- “the book of love is long and boring, no one can lift that damn thing, its full of maps & charts & figures, & instructions for dancing, but I love it when you read to me and you can read me anything”; ang bittersweet na “The Luckiest Guy on the Lower East Side” na tungkol sa isang babaeng maraming suitors at isang pangit na lalaki na kaya nya lang pinapansin ay dahil sya lang ang may kotse at mahilig siyang mamasyal. Parang Gene Kelly musical number pa ang tono nito at sinulat sa point of view ng lalaking pangit kaya mas masakit kahit masaya; ang mala-Europeong “The Night You Can’t Remember” tungkol sa isang army officer na nag RNR at nakabuntis; at ang napakalungkot at ironic na “Papa Was a Rodeo”, tungkol sa isang taong ayaw sa commitment na nang main-love ay sa isang katulad nya pa. Pasok rin ang “Promises of Eternity”, “Meaningless”, “A Chicken with his Head Cut off”, “Fido, Your Leash is Too Long”, “I Think I Need a New Heart”, “Reno Dakota”, “I Don’t Wanna Get Over You”, ”Punk Love”, ”Underwear”, “Absolutely Cuckcoo”, etc. In fact, kung walang pipigil sakin e malamang isulat ko na lahat ng kanta, kaya lang pagod na ko at pinatay na ng nightshift nurse ang ilaw. Bukod sa boses ni Meritt at nang kabanda nyang si Claudia Gonson, guest rin dito sina Shirley Simms, Dudley Klute, LD Beghtol, violinist na si Ida Pearle at ang sikat na si Daniel Handler a.k.a Lemony Snicket na tumugtog ng accordion.

Para sa in-love, so in love, inside of love, love to love, all about love, all for love, fell out of love, never my love, what now my love at all out of love (so lost without you). Naalala ko tuloy yung episode ng Parker Lois Can’t Lose, kung saan nag-attempt yung nerd nilang alalay na magpasiklab sa utol ni Parker at gumawa ng ilawang signage na “Love is Shelley”, kaso lang napundi ang ibang bumbilya sa letra kaya ang lumabas e ”Love is _hell__”. Indeed, love is a many splendoured thing kung ano man ang ibig sabihin nun. Sabi nga ni Ka Andres, “aling pag-ibig pa ang hihigit kaya?”, sagot naman ni WowwowWilly, “ pag-ibig natin ay parang coke at bananacue”. Malalim at mababaw, malabo
at malinaw, matalino at mangmang, marunong at nagmamarunong.
Maraming salamat Ate Charo sa pagpapaunlak mo sa aking munting liham at naway kinapulutan nyo ng aral ang aking mga nilahad. Sana
ay nagustuhan nyo rin ang padala kong handicraft project na bote ng Tanduay na may maliit na barko sa loob. Request ko lang sana
na si Papa Jestoni ang gumanap sa akin dahil macho siya tulad ko.
Lubos na gumagalang,
Taurus boy 69
ng Malaybalay, Bukidnon

No comments:
Post a Comment