Tuesday, July 28, 2009

Vilma Santos - Collection

Oi man. Kapag binanggit ang pangalang Vilma Santos, agad mong maiisip ang mga kilalang pantawag sa kanya gaya ng Star for all Seasons, Trudis Liit, Darna, V.I.P., Sister Stella L, Baby China, Burlesk Queen at Mayor ng Lipa.Pero lingid sa mga miyembro ng Solid Vilmanians, may secret identity ang lola mo.At batay sa ebidensiyang nakalap at tinipon sa album na ito, ay malinaw at walang kaduda-dudang, syento-porsiyentong katotohanan na si Ate Vi ang Reyna ng Tweepop sa Pilipinas.Opo mga kaibigan, at may version pa siya ng “Tweedle dee” bilang pag-amin.
May napanuod ako dati na interview ng isang director na nakalimutan ko na ang pangalan at pabiro nyang sinabi nya na nagtataka sya kung bakit pumatok sa tao ang kanta ni Ate Vi gayong “parang pinupunit na yero” daw ang boses nya.Marahil nga na walang panama kung ihahambing ang singing powers nya sa nagiisang Superstar at drug dependent na si Miss Nora Aunor, pero palagay ko huli nya ang “feel” ng 60’s pop.Masayahing melody? Check. Simple at di kumplekadong Lyrics? Check.Surf guitar, gumugulong na bass, Moog keyboards at energetic drumbeat? Check.Plus over-all impact at audience applause equals 100% nourished Twee.At kung ngayon lang ini-release ito ay malamang mapagkakamalan mong itong under Shelflife,Siesta, o Sarah Records o kaya ay nadamay ito sa ultra rare na C-86 na compilation.
Ang mga stand-outs sa album na ito ay ang mga sumusunod: Ang makabagbag-damdaming ”Sweet Sixteen”, na kung iyong pakikinggan ay parang Shonen Knife ang kumanta. “When the clock strikes one”, complete with coockoo clock at tilaok ng manok side effects ay masarap patugtugin sa umaga habang naghahanda ka para pumasok. “Then along came you,Edgar”, na obviously ay para kay Bobot, ay parang syrup na pwede mong ilagay sa iyong Jollypancake at tipong All Girl Summer Fun Band ang banat at ang pinaka paborito
ko sa lahat (ewan ko ba) na “It’s wonderfull to be in Love”, na may keyboard hataw na makagpapapula ng pisngi ng mga tagahanga ng bandang Rocketship. Maayos din ang mga cover songs nya rito tulad ng “The birds and the Bees”,”The Rick Tick Song”, “Sealed with a Kiss” at iba pa.May tanong lang ako, yung sa lyrics ng “The birds and the bees”, akala ko “ and the thing called love” yon pero sa version ni Ate Vi e “a fling called love”.Di ko alam kong mali ako ng dinig o may kinalaman ito sa mga lalaki sa kanyang buhay (eg. Bobot,Romeo Vasquez, Edu Manzano,atbp)? Anyway, yon ang sabi nya e.Sino ba naman ako para kumontra kay Darna.
Ang album na ito ay para sa mahilig sa Twee,indiepop at 60’s girl group at mga bandang katulad ng Shonen Knife, Aisler Set,All Girl Summer Fun Band, Rocketship, Dear Nora, The Shermans, Majestic,Cardigans,Snow Fairies,The Arrogants,The Softies, si Rose Melberg at maraming-marami pa.Ito rin ay magandang soundtrack habang naglalakad kayo sa paligid ng mga dinosaur sa Luneta ng S.O. mo, at ng e-H.H.W.W. at pa-S.S. pa, o kaya naman nanduon kayo sa platform ng breakwater sa Roxas Blvd. at slow motion na tumatakbo papunta sa isat-isa at kapag nagkaharap na ay bubuhatin ang babae at itataas habang ang tanyag na Sunset ng Manila Bay ay nasa inyong background, at ang mga puno ng nyog ay tila kumakaway sa hangin at ang mga maliliit na bangka at barko ay parang tuldok lang sa malawak at maasul na kalangitan. Tapos may kakalabit sa inyo na lalake at sasabihin na “Bos gusto nyo ng babae? Estudyante bos,malinis? At magkakatinginan kayo sa isat-isa dahil sa wakas ay matutupad na ang matagal nyo nang minimithing pangarap na threesome. Ayos.










No comments: