Tuesday, July 28, 2009

magnetic fields-69 lovesongs

Oi man. Alam ko medyo natagalan to. Na-depressed kasi ako ng ilang buwan. Sa totoo lang ganon pa rin ako ngayon kahit medyo slight na lang.Nakabuti ang pagpapadala sakin sa Rehab at ang pagreseta sa kin ng duktor ng gamut na pamparobot. Ito yung binibigay sa mga pasyente na may violent tendencies at rikomendado ito ni Juan Flavier sa pakikipagtulungan ng National Mental Hospital. May logo pa nga ito ng DOH sa baba at Sangkap Pinoy seal sa tabi ng barcode at imahin ng bungo at ekis na buto. Sabi sakin ni Dok di maglalaon e makakabalik na rin ako sa normal at magiging kapakipakinabang na myembro ng lipunan. Bawasan ko na lang daw ang pag-akyat akyat sa malaking billboard ni Gretchen Baretto malapit sa tulay ng Guadalupe at pakikinig sa bandang Magnetic Fields.

Hay. Siguro yung una nyang request magagawan ko ng paraan ( dahil mas ok yung malaking tarpolin ni Piolo Pascual sa may Magallanes), pero ang bumitaw sa Magnetic Fields e mahirap yatang gawin. Lalo na ngayong may bago na namang kanta si Toni Gonzaga at me bago na namang Sam Milby-wannabe na sumisikat .Oo yung amboy na me kulay ang emo-style na buhok na ang pangalan e Chris. Gwapo sya ha in fairness.

Alam ko Ate Charo, itatanong mo sakin kung ano bang meron ang Magnetic Fields na wala ang mga Star Circle Questor at Pinoy Dream Academy alumni. Wala naman masyado.Lamang lang sila ng 12 calories, 32 flavors (and then some) at syempre 69 lovesongs.

Tandang-tanda ko pa ang lahat, …(pasok ang Ballade pour Adeline ni Richard Clayderman, focus sa bulaklak tapos fade )… Una kong nakilala ang miserableng henyong New Yorker na si Stephin Merritt at ang kanyang bandang walang atrasan sa album na “Get Lost” (1995 Merge Records). Sa unang tingin, malalaman mo agad na dekada 80’s ang pinaghugutan nila ng impluwensya. Tunog lo-fi na synthpop, tapos ang boses e parang sa Human League (yung kumanta ng walang kamatayang”Human” at nang personal favorite ko na “Lois” ) kaya nagustuhan ko sila agad. Parang nakikinig ka ng ibat ibang version ng “Electric Dreams”.Pero may dagdag na banjo, ukulele, atbp. Lumabas din ang husay ni Merrit sa pop sensibilities at pagsusulat ng lyrics, na karaniwan ay tungkol sa pag-ibig. Malupet lahat para sakin ang mga kanta dito.Stand-outs ay ang “With Whom To Dance” (na parang balse),”You and Me and the Moon”, ”Save a Secret to the Moon”, ”Love is Lighter than Air”, “All the Umbrellas in London
”.

Ang pagka-obsessed nya rin siguro sa paksa ng pag-ibig ang nagtulak sa kanya na gawin ang concept album na 69 Lovesongs (1999). Sa kinauukulan: ang 69 Lovesongs po ay hindi pamagat ng bagong kanta ng Grin Department tungkol sa paborito nilang “mouth-to-mouth resuscitation” technique. Binubuo ng 3 cds na may 69 songs (23 kada isang disc para sa mahilig sa Math), ito ay tumatalakay ng ibat-ibang mukha at stages ng pag-ibig na karaniwang tinatalakay din ng palabas na “Young Love, Sweet Love” ni Kuya Germs (para sa mga bagets then) o kaya naman ng “All About Your Love” (para sa mga bagets now). Alam ko itatanong nyo ulit Ate Charo kung bakit ang babaduy ng analogy ko. In fact,sine-celibrate ng album nito ang lahat katangian at kapintasan ng pag-ibig at damay na rito ang bonus na tagihawat sa ilong. From the most sublime and romantic interpretation of love, to the saddest, most painfully miserable and even to the corniest. In fact, binudburan pa ng cliché, shopworn phrases at sappy lines ang lyrics kay di mo malaman kung ginu-goodtime ka lang o binibigyan ng isang napakatinong payo. Sabi nga ni Rey Valera
,”ang pag-ibig ay sadyang ganyan”. Minsan para kang lumulutang sa ulap at nagsasaboy ng petals s
a daan, minsan bigla mo na lang isusulat ang pangalan ng crush mo nang paulit-ulit sa papel at maglalaro ng F.L.A.M.E.S., minsan kinikilig ka pang ilagay ang initials nya sa slumbook, ang picture nya sa locker, sa locket, at sa dinding ng banyo. At kung minsan naman basang-basa ka sa ulan at walang masilungan, at gusto mo nang tumalon na lang sa riles ng LRT at magpasagasa, parang pirat na pusang gala sa gitna ng EDSA. Ika nga ng Salbakuta, “wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac”. At doon makikita ang genius nito. Pinaghalong-kalamay pa ang estilo ng mga kanta mula sa piano ballads, folk music, country and western rock, jangly 80’s pop, 60’s pop (ala Phil Spector na tipong “Be my Baby” ng The Ronnettes),synthpop, indiepop, Beachboys ,Gary Numan at minsan may hint ng European music na soundtrack ng mga lumang French fiims. Required dito ang kakatwang sense of humor para patugtugin dahil its either makasapak ka ng ka-opismate dahil sa kaaasar o kaya naman e masapak ka ng ka-opismate mo sa sobrang asar. Sumatutal, lahat panalo. Ang tagumpay mo ay tagumpay ng bawat Pilipino! Genius dipo ba?

Sa dami ng kanta dito, normal na ipalagay na merong part na nakakabato na tipong fillers lang, pero so far sa ilang buwan na pagpapatugtog ko nito sa rehab, Ate Charo, e di ko pa nafeel yon. Habang lumalaon nga e may maliliit pa na surpresa akong nadidiskubre na aking kinatutuwa kahit akoy magisa. Kaya lang napapanay din ang pag-injection sakin ng gamot. Ang mga paborito ko dito ay ang mga sumusunod; “Busby Berkeley Dreams”, isang makabagbag damdaming piano ballad tungkol sa di malimutang lumang pag-ibig. (Trivia: si Busby Berkeley po ay isang Hollywood
director ng musicals noong dekada 30’s na nagpasikat ng mga highly-stylized and choreographed dance sequence (parang synchronized swimming). Sinasabi ng narrator ng kanta na kahit din na sila nagkikita e parang nasa isang magarbong musical number pa rin siya kapag naaalala nya siya; “The Book of Love”, na may linyang- “the book of love is long and boring, no one can lift that damn thing, its full of maps & charts & figures, & instructions for dancing, but I love it when you read to me and you can read me anything”; ang bittersweet na “The Luckiest Guy on the Lower East Side” na tungkol sa isang babaeng maraming suitors at isang pangit na lalaki na kaya nya lang pinapansin ay dahil sya lang ang may kotse at mahilig siyang mamasyal. Parang Gene Kelly musical number pa ang tono nito at sinulat sa point of view ng lalaking pangit kaya mas masakit kahit masaya; ang mala-Europeong “The Night You Can’t Remember” tungkol sa isang army officer na nag RNR at nakabuntis; at ang napakalungkot at ironic na “Papa Was a Rodeo”, tungkol sa isang taong ayaw sa commitment na nang main-love ay sa isang katulad nya pa. Pasok rin ang “Promises of Eternity”, “Meaningless”, “A Chicken with his Head Cut off”, “Fido, Your Leash is Too Long”, “I Think I Need a New Heart”, “Reno Dakota”, “I Don’t Wanna Get Over You”, ”Punk Love”, ”Underwear”, “Absolutely Cuckcoo”, etc. In fact, kung walang pipigil sakin e malamang isulat ko na lahat ng kanta, kaya lang pagod na ko at pinatay na ng nightshift nurse ang ilaw. Bukod sa boses ni Meritt at nang kabanda nyang si Claudia Gonson, guest rin dito sina Shirley Simms, Dudley Klute, LD Beghtol, violinist na si Ida Pearle at ang sikat na si Daniel Handler a.k.a Lemony Snicket na tumugtog ng accordion.

Para sa in-love, so in love, inside of love, love to love, all about love, all for love, fell out of love, never my love, what now my love at all out of love (so lost without you). Naalala ko tuloy yung episode ng Parker Lois Can’t Lose, kung saan nag-attempt yung nerd nilang alalay na magpasiklab sa utol ni Parker at gumawa ng ilawang signage na “Love is Shelley”, kaso lang napundi ang ibang bumbilya sa letra kaya ang lumabas e ”Love is _hell__”. Indeed, love is a many splendoured thing kung ano man ang ibig sabihin nun. Sabi nga ni Ka Andres, “aling pag-ibig pa ang hihigit kaya?”, sagot naman ni WowwowWilly, “ pag-ibig natin ay parang coke at bananacue”. Malalim at mababaw, malabo
at malinaw, matalino at mangmang, marunong at nagmamarunong.
Maraming salamat Ate Charo sa pagpapaunlak mo sa aking munting liham at naway kinapulutan nyo ng aral ang aking mga nilahad. Sana
ay nagustuhan nyo rin ang padala kong handicraft project na bote ng Tanduay na may maliit na barko sa loob. Request ko lang sana
na si Papa Jestoni ang gumanap sa akin dahil macho siya tulad ko.

Lubos na gumagalang,
Taurus boy 69
ng Malaybalay, Bukidnon










belle and sebastian-if you're feeling sinister


Oi man. Aksidente lang ang pagkadiskubre ko sa grupong Belle and Sebastian.Napanuod ko ang video ng ” Is it wicked not to care?” sa isang malabong test broadcast ng isang music channel (di ko na maalala kung MTV ba o Channel V), nuong mga panahon na di pa malawak ang cable ( o ang pagnanakaw ng cable). Naintriga ako kaagad sa mga imahen ng patpating lalake at babae nakapang-prinsipe abante na kumakanta sa gitna ng gubat, sa itaas ng puno at sa damuhan.Idagdag mo pa ang boses ng babae na parang bumubulong sa saliw ng tinatamad na gitara.Parang kakaiba nga, kung iisipin na kagagaling palang ng mundo sa maingay at galit na galit na grunge. Natagalan pa bago ako nakakuha ng kopya ng album na “The Boy with the Arab Strap”, kung saan lumabas ang kanta .Pero mas una akong nakakuha ng kopya ng “If You’re Feeling Sinister”, ang pangalawang album nila (August,1996 under Jeepster Records).Sa araw-araw kong pagpapatugtog non, ang komento ng tatay ko, “budlay kaayo” (”sobrang nakakatamad” sa bisaya) na siya namang aking kinatuwa. Dati kasi tinanong nya ko kung ako ay kasapi ng kultong Satanista dahil sa mga pinakikinggan ko.Ang grupo ay nabuo sa Glasgow,Scotland noong January 1996,nang makilala ni Stuart Murdoch ang bahistang si Stuart David. Nakuha nila ang pangalan nila sa isang children’s book ng Pranses na si Cecile Aubry,tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bata at ng kanyang alagang aso.Pinili nila iyon dahil di nila nagustuhan ang” The Tukayos”. Gumawa sila ng mga demo hanggang makabuo ng una nilang album na “Tigermilk”. Dumagdag na rin sina Stevie Jackson (gitara), Chris Geddes (keys), Richard Colburn (drums),Sarah Martin (violin/boses), at ang malupet na si Isobel Campbell (cello/boses).Sa ngayon nagbago na ang line -up na ito, ung iba umalis o kaya napalitan, (gaya ni Isobel Campbell na bumuo ng The Gentle Waves). Medyo nagbago na rin ang tunog nila, most notably sa dalawang huling album nila na “Dear Catastrophe Waitress”(2003), at “The Life Pursuit”(2005).Noong una kina-classify silang tweepop, pero bukod sa di nila nagustuhan yon, masalimuot ang wit, cynical at dark ang humor ng mga topic ng kanta nila, kahit na nababalot ito ng matamis na tono.Dagdag mo pa ang boses ni Stuart Murdoch na parang inaantok na Nick Drake. Sa pelikulang “High Fidelity”, diniscribe ng karacter ni Jack Black ang music nila na “sad old bastard music”.Yung iba naman tinawag itong “chamberpop’ dahil sa paggamit nila ng instrumentong di karaniwan sa pop gaya ng cello,violin at torotot. Kung ano man ang tamang tawag doon, mapupuri ang grupo sa paglalagay ng “literate” na lyrics, clever na salita at phrases, at nakakaaliw na “outsider” na obserbasyon tungkol sa paligid. Parang nanuod ka ng “Beauty and the Geeks” at pinakinggan mo ang obserbasyon ng isang nerd contestant. Nakakatawa,medyo childish pero may laman at may kurot sa puso dahil may katotohanan. “Revenge of the Nerd Music” ba ito na sinulat para panlaban sa mundo ng magagandang Cheerleaders at matitipunong Jocks? Maari. Iisipin mo na soundtrack ito ng High School life mo na di na-discuss ni Ate Showie dahil nasa Row 1 sya at anak sya ng Mayor ng Pasay. Eto yung mga sinulat sa imaginary theme writing paper ng mga kaklase mong kadalasang tinatawag na “ulo”,”putok”, “beho”,”baboy”,”negro”,”kuhol”,”tagyawat”, “prinsipe K”,”babet”,”godzilla”,”butete”,”manay”,”tagos”,”tae” at iba pa.At ang masaklap dun, gaya ko e malamang kasama ka rin dun sa “at iba pa”,at may pantawag rin sayo ang mga pogitong mapalad na naka-Reebok, at ang mga nag-gagandahang dalagingding na naka-”pugad look” ang buhok, shoulder pads at naka Swatch (dahil nasa Saudi si Papa at Japayuki si Mama).Malupet lahat ng kanta dito para sa akin, gaya ng ‘The Star of Track and Fields”,”Fox in the Snow”, “Judie and the Dream of Horses”, “Me and the Major” (nagpa-alala sakin ng pelikulang “Scent of a Woman”), “Mayfly”, “If You’re Feeling Sinister” (parang “A Day in a life” ng Beatles),”Seeing Other People”,”Dylan in the Movies”,”The Boy Done Wrong Again” at “Get me Away from Here I’m Dying” (na theme song ko sa opisina) among others.Para ito sa mahilig sa dry sense of humor at wit ng mga British, medyo 60’s folk/pop ng Simon and Garfunkel, Nick Drake,”nyuweyb” banat ng The Smiths, 80’s indie, 90’s angas, at mga alumni ng Lamda Lamda Lamda Fraternity.Ayos.










Vilma Santos - Collection

Oi man. Kapag binanggit ang pangalang Vilma Santos, agad mong maiisip ang mga kilalang pantawag sa kanya gaya ng Star for all Seasons, Trudis Liit, Darna, V.I.P., Sister Stella L, Baby China, Burlesk Queen at Mayor ng Lipa.Pero lingid sa mga miyembro ng Solid Vilmanians, may secret identity ang lola mo.At batay sa ebidensiyang nakalap at tinipon sa album na ito, ay malinaw at walang kaduda-dudang, syento-porsiyentong katotohanan na si Ate Vi ang Reyna ng Tweepop sa Pilipinas.Opo mga kaibigan, at may version pa siya ng “Tweedle dee” bilang pag-amin.
May napanuod ako dati na interview ng isang director na nakalimutan ko na ang pangalan at pabiro nyang sinabi nya na nagtataka sya kung bakit pumatok sa tao ang kanta ni Ate Vi gayong “parang pinupunit na yero” daw ang boses nya.Marahil nga na walang panama kung ihahambing ang singing powers nya sa nagiisang Superstar at drug dependent na si Miss Nora Aunor, pero palagay ko huli nya ang “feel” ng 60’s pop.Masayahing melody? Check. Simple at di kumplekadong Lyrics? Check.Surf guitar, gumugulong na bass, Moog keyboards at energetic drumbeat? Check.Plus over-all impact at audience applause equals 100% nourished Twee.At kung ngayon lang ini-release ito ay malamang mapagkakamalan mong itong under Shelflife,Siesta, o Sarah Records o kaya ay nadamay ito sa ultra rare na C-86 na compilation.
Ang mga stand-outs sa album na ito ay ang mga sumusunod: Ang makabagbag-damdaming ”Sweet Sixteen”, na kung iyong pakikinggan ay parang Shonen Knife ang kumanta. “When the clock strikes one”, complete with coockoo clock at tilaok ng manok side effects ay masarap patugtugin sa umaga habang naghahanda ka para pumasok. “Then along came you,Edgar”, na obviously ay para kay Bobot, ay parang syrup na pwede mong ilagay sa iyong Jollypancake at tipong All Girl Summer Fun Band ang banat at ang pinaka paborito
ko sa lahat (ewan ko ba) na “It’s wonderfull to be in Love”, na may keyboard hataw na makagpapapula ng pisngi ng mga tagahanga ng bandang Rocketship. Maayos din ang mga cover songs nya rito tulad ng “The birds and the Bees”,”The Rick Tick Song”, “Sealed with a Kiss” at iba pa.May tanong lang ako, yung sa lyrics ng “The birds and the bees”, akala ko “ and the thing called love” yon pero sa version ni Ate Vi e “a fling called love”.Di ko alam kong mali ako ng dinig o may kinalaman ito sa mga lalaki sa kanyang buhay (eg. Bobot,Romeo Vasquez, Edu Manzano,atbp)? Anyway, yon ang sabi nya e.Sino ba naman ako para kumontra kay Darna.
Ang album na ito ay para sa mahilig sa Twee,indiepop at 60’s girl group at mga bandang katulad ng Shonen Knife, Aisler Set,All Girl Summer Fun Band, Rocketship, Dear Nora, The Shermans, Majestic,Cardigans,Snow Fairies,The Arrogants,The Softies, si Rose Melberg at maraming-marami pa.Ito rin ay magandang soundtrack habang naglalakad kayo sa paligid ng mga dinosaur sa Luneta ng S.O. mo, at ng e-H.H.W.W. at pa-S.S. pa, o kaya naman nanduon kayo sa platform ng breakwater sa Roxas Blvd. at slow motion na tumatakbo papunta sa isat-isa at kapag nagkaharap na ay bubuhatin ang babae at itataas habang ang tanyag na Sunset ng Manila Bay ay nasa inyong background, at ang mga puno ng nyog ay tila kumakaway sa hangin at ang mga maliliit na bangka at barko ay parang tuldok lang sa malawak at maasul na kalangitan. Tapos may kakalabit sa inyo na lalake at sasabihin na “Bos gusto nyo ng babae? Estudyante bos,malinis? At magkakatinginan kayo sa isat-isa dahil sa wakas ay matutupad na ang matagal nyo nang minimithing pangarap na threesome. Ayos.










Club 8



Oi man. Noong 1987,tinayo ni Clare Wadd at Matt Haynes sa isang basement flat sa Bristol, London ang Sarah Records.Ang kanilang objective: magrelease ng isang daang records upang turuan ng leksyon ang buong mundo kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang pop music.Noong August, 1995, pagkatapos nang ika-100 nilang release sinira nila ang pinto at iniwan ang pamana nilang konsepto na “Pure Perfect Pop”.At ang katagang ito na siguro ang pinaka akmang description sa musika ng Club 8. Kasabihan nga ng tumanda na mundong indiepop, “in a perfect world,this would be on the radio”. At kung napakinggan mo na nga sila ay masasabi mo rin ito sa iyong sarili. Kaya lang di nga perpekto ang mundo e, at medyo matagal pa nating titiisin ang “Miss kita pag Tuesday” sa radyo.Hay.Ang Swedish duo na Club 8 ay binuo noong 1995 ng dating mag-MU at ngayon ay friends na lang na sina Karolina Komstedt (galing sa grupong Poprace) at Johan Angergard (Poprace at Acid house kings- isa ring malupet na grupo).Una silang nagrelease ng album na pinamagatang Nouvelle sa ilalim ng Spanish record na Siesta at doon nagsimula na silang mapansin.Kung sakaling mag-endo ka ngayon (wag naman sana, halimbawa lang) at maswerteng mapunta sa langit, ang boses ng angel ay tiyak na kahawig ng boses ni Karolina.Tyak yon.Bagamat sa unang album, maririnig ang impluwensya ng “Anorak pop”, ” C-86″,mga grupong gaya ng The Legendary Jim Ruiz Group,The Smiths o kaya mga bandang galing sa Sarah Records, ang sumunod nilang release na ” A Friend I Once Had” noong 1998 ang nagsemento sa kanilang pedestal, at nagbigay sa kanila ng unang hit na “Missing You”. Sa lahat ng album nila, ito ang paborito ko pero di ibig sabihin na hindi maganda ang lahat, kaya lang ito yung album na sa aking palagay ay nakuha nila ang pinaka “quintessential” na tunog nila. Sa mga sumunod na album na “Club 8″ ,”Spring Came, Rain Fell” at ang pinakahuling “Strangely Beautiful”mapapansing nagkaroon na ng elementong techno, dance, dub, trip hop, chill out o ano mang tawag duon, pero di pa rin nagbago ang pop sensibilities nila.Maihahambing ito sa mga tunog ng malulupet ding grupong Saint Ettienne, Ivy, Portishead,Air atbp. Minsan nga ay nasasama pa sila sa mga compilation ng mga chill out na records. At salamat sa Tower records e hindi na mahirap maghagilap ng mga album nila ( Syempre problema pa rin ang pambili), di tulad ng dati. Tunay na Kwento: minsan nag attempt ang kumpare kong buo na si Buroy na magtanong sa saleslady sa isang record bar kung meron silang Club 8, at binigay sa kanya e album ng S Club 7.Ayos.








Thursday, July 2, 2009

vashti bunyan - just another diamond day

Oi man.Sa mga panahon na ito nasaisip ko ang mortality.Kung gaano kahaba o kaikli ang buhay.At kung paano bigla nalang puputulin ito na parang That’s entertainment sa ere pag lagpas na sa alloted time habang nasa gitna pa sila ng “pila-pila production number”, interpretative dance ng hits ni Julie Andrews o nagsisingit pa ng pagbati sa mga kaibigan at sponsor tulad ng Hammerhead Jeans, Bizarre shirts, Kimbo Shoes,Zenco Footsteps, Manels bag, Seiko Wallet,Soen,Cora Doloroso Career Center , Caronia Beauty products,Pagoda Cold Wave Lotion,Michael Styling Gel, Bellestar Promotions,Likas Papaya herbal soap,Kankunis, at Clox at Daz dishwashing paste. At kung paano matitira na lang ay ang ibat-ibang bersyon ng ala-ala sa ibat-ibang taong nakapanood ng araw na yon. Minsan yung iba nadaanan lang ng remote at nasilip lang ng bahagya, yung iba naman marami nang nangyari kaya natabunan na o kaya naitapon na sa tambakan ng walang kwentang ala-ala. Habang yung mga nanuod talaga nung araw na iyon ay pilit na hinahawakan ang mga piraso na unti-unting humuhulas sa paglipas ng mga taon. Ilan kaya sa mga nakilala mo sa buong buhay mo ang tunay na maa-alala ka? Matatandaan ang mga malilit na tagpo, mga ginawa mo o hindi mo ginawa para sa kanila o kahit na yung mga facial expressions lang,tawa,ngiti, ngiwi, o simangot. Kung tatanungin sila ngayon, may maalala ba sila?Nang mapakinggan ko ang album na Just Another Diamond Day ni Vashti Bunyan, di ko mapigilang malungkot kasabay ng saya. Masaya dahil ang mga kanta nya dito, na maituturing na Psychedelic na Folk, ay minsan parang mga nursery rhymes at pampatulog ng mga bata.Katunayan ang kantang “Lily Pond” ay katono ng Twinkle twinkle little star, “Timothy Grub” ay parang Abcd at ang “Jog Along Bess” ay parang kanta sa laro.Dagdag mo pa ang boses nya na kung pumikit ka ay parang yung boses ng nanay mo na hinehele ka nung baby ka pa.Yung iba siguro maihahalintulad yon kay Marianne Faithful, na kung di ako nagkakamali ay naging related minsan kay Mick Jagger ng bandang Rolling Stones. Sa katunayan, hindi rin nalalayo sa bandang ito ang kwento ni Vashti Bunyan.Ayon sa kwento, pagkatapos nyang lumagpak sa Art school dahil sa madalas na pagliban, nakilala sya ng producer ng Rolling Stone na si Andrew Loog Oldham at binalak syang gawing isang pop singer at nirecord nya ang awit na sinulat ni Mick Jagger at Keith Richards “Some things just stick in your mind” noong 1965.Di naging madali ang pagtanggap sa kanya at ang ibang mga nairecord nya ay di nga halos na-irelease dahi di naman talaga sya pang Pinoy Dream Academy material. Sa badtrip, bumili sya ng karwahe at kabayo, bumiyahe siya patungong Isle of Skye sa isang commune na itinayo ng tanyag na folk psychedelic singer na si Donovan, na nagpasikat ng kantang “Sunshine Superman”. (Sya rin ang tatay ng artistang si Ione Skye, na sumikat sa pelikulang “Say Anything”, kasama ng poging si John Kusack).At doon sa paglalakbay na iyon ay nagsimula siyang magsulat ng mga kantang bumuo sa debut album nya na “Just Another Diamond Day”. At sa tulong ng folk producer na si Joe Boyd at mga musikerong galing sa bandang Fairport Convention, Incredible String Band at arranger ng superlupet na si Nick Drake, nailabas ito noong 1970.Ngunit di ito naging mapalad, at naibaon kasama ng mga alikabok at si Vashti ay naglaho sa mata ng madla ng parang bula. Lumipas ang taon, naging alamat ang album na ito sa mga kolektor at mahilig sa tunay na musika.At sa tulong ng mga kasalukuyang musikerong naimpluwensyahan nya gaya ni Devendra Banhart,Joanna Newsom at ng bandang Piano Magic at Animal Collective, naibalik sa kamalayan ang alamat nya at nang 2001 inire-release ang album na ito, kasama ang iba pa nyang kanta. Naging maugong ang pagbabalik nya.Nang tumugtog sya sa Bowery ballroom ay halos napapaiyak pa siya sa hiya habang inaawit niya ang mga obra nya noong 19 pa lang siya. At pagkatapos ng 36 years nabuo ang pangalawa nyang album na “Lookaftering” noong 2005. Sabi ng isang writer ng Magnet magazine tungkol sa pangalawa nyang album, ” If it takes another 36 years for something so sublime, then I’ll wait another 36 years”.Mga awit na tungkol sa innocence, sa pagkabatang nawawala,pag-ibig at pag-iisa,mga panahon,mga puno, dahon, bundok,pagdating at pag-lisan,at pagpapatuloy sa araw-araw sa saliw ng payak na gitara, konting strings, flute at tinig oyayi.Napakalungkot ngunit napakapayapa.Mga awit na pampagpag sa maalikabok na ala-ala ng isang pangkaraniwang sukat ng buhay. Ayos.





Wednesday, July 1, 2009

the weepies - say i am you

Oi man. Minsan ang buhay parang pelikulang love story ng Korea. Widescreen, may itim sa itaas at baba, magaganda ang cinematography, at may sub-title.Ang bidang babae ay sing ganda ni Song Hye Kyo. Tapos yung bidang lalaki naman kamukha ni Cha Tae-Hyun ( yung bida sa My Sassy Girl, ung pelikula ha), medyo goofy at ordinaryo lang.Pagtatagpuin sila ng tadhana, tapos iikot na ang istorya. Tadhana.Napakaromantikong konsepto.Parang Destiny Cable.May Wowow.Tadhana rin siguro ang nagpasimuno ng magkakilala ang parehong singer/songwriter na si Deb Talan at Steve Tannen sa isang club sa Boston.Kapwa kaka release pa lang ng kanilang debut album bilang solo artist. Kay babae ay may pamagat na “Something Burning”, at kay lalake naman ay “Sweet Senorita”. Lingid sa kanilang dalawa, pareho pala nilang pinatutugtog ng paulit-ulit ang kanya-kanyang album at humahanga sa isat-isa.Hanep ano po. M.U. na kagad sila kahit di pa sila magkakilala.Naalala ko tuloy ang kantang pinasikat ng Savage Garden na “I knew I love you before I met you”.Laking gulat ko na lang nang ikasal ang bokalistang si Darren Hayes{ di ako sure sa pangalan} sa kapwa nya lalake.Ayos.Brokebakan na.
Anyway,dun nagsimula ang grupong The Weepies at ang album na ito ay pangalawa na at nirelease sa ilalim ng Nettwerk Music ngayong taon.Nauna dito ang Debut EP na “Happines” taong 2003.Ilang linggo ko na rin pinapatugtog ang album na ito at di pa rin ako naririndi.Ibig sabihin may ginawa silang tama. Pop na country at folk / singer-songwriter ang banat nila.Hati sila sa singing duties. Ang boses ni Deb ay parang kalmado o melancholic na version ng Indigo girls. Dahil to siguro sa k
adahilanang di siya tomboy.{pasintabi po}.Si pareng Steve naman ay parang Duncan Sheik na may laryngitis.Madali man masakyan ang mga melody, may kalaliman naman ang lyrics nila, di tulad ng “Yeh Yeh Vonnel” na nasobrahan naman yata sa lalim at mahirap maarok.Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng “Vonnel”.Minsan malungkot ang tema ng kanta nila,gaya ng “This is not your Year”, na parang nakikipagusap ka sa sarili mo na tanggapin na lang ang mga dagok na dumating at magbakasakali na lang susunod. Bagay nga na soundtrack ito sa pelikula, yung mga eksenang naglalakad ng palayo ang bida, tapos ipo focus yung lalakarin nya. Sa katunayan ang isang kanta sa album na to na “World spins madly” ay ginamit sa soon-to-be released na pelikulang “Friends with Money” ng kaM.U. kong si Jeniffer Aniston.Paborito ko dito ang “Painting by Chagall”, dahil maganda ang poetry at medyo masaya.Ang “I got to have you” naman ay nagpapaalala sakin ng mga banat ni Allison Krauss.Ayos din ang “Slow pony home”, “Stars”, “Nobody knows me at all”, “Citywide rodeo”,”Rigga Girls” at iba pa.
Overall, tunog-fresh at malakas ang koleksiyon ng mga kanta sa abum na ito. Mapapansin mo na lang na sinasabayan mo ang kanta habang nakadungaw ka sa bintana mga bandang 3 o’ clock ng hapon, at maiisip mo na basahin uli ang sulat ng dati mong kaM.U. na nag-Japan for financial reasons, dahil gusto nya raw matupad ang mga pangarap nya at maiahon sa kahirapan ang pamilya nya at mabigyan sila ng magandang bukas, kaya pinuputol na nya ang lahat ng namagitan sa inyong dalawa dahil hindi daw kayo para sa isat-isa at balang araw daw ay makakahanap ka rin daw ng taong magmamahal sa iyo ng lubusan, na masusuklian ng mas higit pa ang pagmamahal na iniukol mo para sa kanya at syang karapatdapat na pag-ukulan ng wagas at busilak na pag-ibig, gaya ng itinakda sa iyo ng tadhana at ng Poong Maykapal.Hay. Para ito sa mga mahilig sa pop na folk at country,twangy na boses, poetic na lyrics, medyo malungkot, medyo masaya, konting bittersweet at romance, at syempre destiny.Ayos.




sufjan stevens - come on feel the illinoise

Oi man.Medyo natagalan bago ako nakaiskor ng album na ito ni Sufjan Stevens.Medyo di kasi sya masyado kilala kumpara kay Sam Milby at di pa kaagad mapo-pronounce ang pangalan nya. ( Soof-yan po ito..Persian daw ang origin).Matagal tagal na rin ang buzz na umiikot sa kanya sa masalimuot na mundo ng indie music.Yung ibang mga kritiko, kasama na duon ang mga kritiko ng administrasyong Arroyo ay kinukunsidera na isa ito na sa pinakamalupit na release nuong 2005 kung di ako nagkakamali. Bale ang album na ito ay pangalawa sa plano nyang tinawag na 50 States Project kung saan balak nyang gumawa ng album tungkol sa 50 states ng America.Nauna na dito ang Welcome to Michigan The Great Lake State na nirelease nuong 2003 na hindi ko pa napapakinggan.Ayos diba.Release ito under Asthmatic Kitty Records na sya rin ang may pasimuno dahil sa totoo lang mahirap namang tanggapin ito ng Star Records at ipatugtog sa Star Fm.Kelangan pa bang imemorize yan? Bisyo na to.Sa unang salang, mapapansing may pagka quirky ang brand ng chamber pop na gawa nya, kung minsan parang may halong Gospel, Folk,Country at mga instrumental na hirit na parang soundtrack ng mga tv series nuong 80’s gaya ng Hilstreet Blues,St. Elsewhere,Cagney and Lacey,Perfect Strangers,WKRP In Cincinnati, M.A.S.H at mga kahalintulad, na nagpapakita ng tunay na edad ko at nakapagpababa ng tsansa ko na makai-score sa chicks.Idagdag mo pa ang mala-kilometrikong pamagat ng mga kanta kaya hanggang sa kasalukuyan ay di ko pa rin halos matandaan ang mga pamagat nito. Sa mga medyo bata-bata pa, ang Kilometriko ay brand ng ballpeng sumikat nung 80’s na may tagline na Write Thousands and Thousands of Words.Obvious ba? Hindi ko ma-imagine ang itsura nun sa screen ng Ipod dahil wala ako non o kaya ang resulta pag pinatugtog mo ito sa opisina.To illustrate:Bida1: ( habang nakikinig ng tugtog) “ Oy man, ok yan a.Sino yan?Bida 2: Ah si Sufjan Stevens yan.Bida 1: Ok a. Ano pamagat nyan?Bida 2: A e kwan – “ They Are Night Zombies!! They Are Neighbors!!TheyHave Come Back From The Dead! Ahhhhh!Ayos di ba.Sana ay nagustuhan nyo po ang aming munting palabas.Hanggang sa susunod pong muli.Ito po ang inyong lingkod. Saranghameda Bo Derek.Isa sa paborito ko dito ay ang kantang “John Wayne Gacy Jr.”, na kung iisipin mo ay di naman mahabang pamagat at normal naman.Kaya lang si John Wayne GacyJr po ay isang notorious na serial killer na mas notorious pa kay B.I.G. at pumatay ng humigit kumulang na 30 katao lang naman.Nakakapraning din ang linyang ng kantang ito na “In my best behavior, I am really just like Him”.Ayos.Nagustuhan ko rin ang “Decatur or Round of Applause For Your Stepmother” na nakakaaliw ang rhyming scheme at nakakakalma.Ang orchestral manouvers ng” The Man of Metropolis Steels Our Hearts” , “Come On! Feel The Illinoise”, at “Chicago” na tunog tv series para sa akin.Gusto ko rin ang ang folky na “Casimir Pulasky Day”,ang “the Predatory Wasps of The Palisades Is Out To get Us?” at ang “The Tallest Man ,The Broadest Shoulders”, na ang dating e parang patapos na ang pelikula at paalis na ang bida .Ayos rin ang ibat-ibang klaseng patunog,mga bleeps at ugong na nakapalaman at nagdagdag ng sustansiya sa kabuuan.Nang tanungin sya minsan kung bakit daw mahaba ang mga pamagat ng kanta nya, sabi ni pareng Sufjan na di pa raw uso ang text nung araw at nung unang panahon, ang mga tao ay di pa nagtitipid ng salita.Para raw itong mga chapter ng isang nobela. At naisip nya raw magbigay pugay sa mga lugar upang makapag komento tungkol sa industrialisasyon,progress, pagsisikap ng manggagawa, mga sikat na tao at pangyayari sa lugar, tungkol sa mga conflict personal at panlabas, at sa pagkakaroon ng tinatawag na community kung paano ito naghuhulma sa personalidad ng tao.Sinabi nya sakin yan habang kami ay kumakain ng happy meal sa Mcdo.Para sa mga tagahanga ng medyo weird na chamber pop na hinaluan ng folk,country, konting jazz,acid,funk, Walt Whitman, Carl Sandburg,Superman, orchestra na brass at string section,isang Choir,ukulele at banjo, tunog spaceship ni Father Tropa,Gospel,quirkiness ng Flaming Lips,Ladybug Transistor,pabulong ng Iron & Wine,TV series at sitcom soundtrack noong dekada ni Lenny Santos At Rey PJ Avellana at boses ni Junior( yung kumanta ng “ But If You Leave Me” na tinagalized ni Renz Verano at ng “Yakap” na nirevive naman ni LA Lopez.Ayos.
Eto ang listahan ng mga kanta nya.Enjoy.
1. Concerning The UFO Sighting Near Highland, Illinois2. The Black Hawk War, Or, How To Demolish An Entire Civilization And Still Feel Good About Yourself In The Morning, Or, We Apologize For The Inconvenience But You’re Gonna Have To Leave Now, Or, ‘I Have Fought The Big Knives And Will Continue To Fight…3. Come On! Feel The Illinoise!: Part I: The World’s Columbian Exposition/Part II: Carl Sandburg Visits Me In A Dream4. John Wayne Gacy, Jr.5. Jacksonville6. A Short Reprise For Mary Todd, Who Went Insane, But For Very Good Reasons7. Decatur, Or, Round Of Applause For Your Stepmother!8. One Last ‘Whoo-Hoo!’ For The Pullman9. Chicago10. Casimir Pulaski Day11. To The Workers Of The Rock River Valley Region, I Have An Idea Concerning Your Predicament12. The Man Of Metropolis Steals Our Hearts13. Prairie Fire That Wanders About14. A Conjunction Of Drones Simulating The Way In Which Sufjan Stevens Has An Existential Crisis In The Great Godfrey Maze15. The Predatory Wasp Of The Palisades Is Out To Get Us!16. They Are Night Zombies!! They Are Neighbors!! They Have Come Back From The Dead!! Ahhhh!17. Let’s Hear That String Part Again, Because I Don’t Think They Heard It All The Way Out In Bushnell18. In This Temple As In The Hearts Of Man For Whom He Saved The Earth19. The Seer’s Tower20. The Tallest Man, The Broadest Shoulders: Part I: The Great Frontier/Part II: Come To Me Only With Playthings Now21. Riffs And Variations On A Single Note For Jelly Roll, Earl Hines, Louis Armstrong, Baby Dodds, And The King Of Swing, To Name A Few 22. Out Of Egypt, Into The Great Laugh Of Mankind, And I Shake The Dirt From My Sandals As I Run






iron and wine - the creek drank the cradle

Oi man.nakita kong lumulutang sa malawak na sapot ang album na The Creek Drank The Cradle ng Iron and Wine.Sa biglang tingin, iisipin mong ang banda ay binubuo ng mga mamang metal na tumutoma sa harap ng inyong suking sari-sari store at nagaabot ng tagay sa kahit sinong napadaan at kapag tatanggi e bubuhos nila iyon sa kawawang biktimang nakajacket na lingid sa kanila ay si Rey Malonzo pala at magsisimula na ang basag ulo at patataubin na ang mga pasimuno at magaabot na si Rey Malonzo ng pera sa may ari ng tindahan bilang danyos perwisyo.Mali pala ako.una ang musika nila e malilinya sa genre na tinatawag ngayong Alt country.isang uri ng makabagong folk na walang kinalamaman sa hit na Achy Breaky Heart. Pangalawa ang Iron and Wine ay isang tao lamang.Isang mamang nagngangalang Sam Beam na maaaring kamaganak rin ng sikat na si Jim Beam kung ihahambing ang alcohol content sa kanyang hinhinga.Nagsimula siyang magrecord ng mga lo-fi tapes sa Miami at ang album na ito ang una nyang koleksiyon ng mga awit na nirelease noong 2002.Kapansin pansin na ang kalidad ng recording na ito ay parang voice tape lang na nirecord sa isang lumang Casette player na marumi ang tape head gamit ang isang Betamag c-60 na nabili sa isang record bar sa Libertad na may tinda ring sapatos..Medyo magaras at maraming gasgas ngunit nakadagdag ito sa pangkalahatang atmosphere ng album.Dagdag mo pa dito ang boses ni pareng Sam na parang kagigising lang na may hangover at di pa nakapag ahit at binubulong ang salita para di marinig ng kapitbahay.Incidentally, balbas sarado siya sa totoong buhay..Ayos.Ang unang kanta na “Lions’ Mane” ay magpapaalala sa iyo ng grupong Simon and Garfunkel,particularly ng kantang“The Boxer” dahil may pagkahawig ang style pagpluck ng gitara at overall effect nito na parang may papalayong tren.Ang epekto ng buong album ay parang imuinom ka ng walang yelong gin na magisa somewhere in Tijuana sa tanghaling tapat at unti unting nagse-sepia ang paligid at nakita mo na lang bigla ang sarili mo na ikaw si David Carradine sa Kung Fu na naglalakad sa highway na maalikabok.Bukod sa “Lion”s Mane”, paborito ko rin ang “Bird Stealing Bread” at ‘Muddy Hymnal”.pero ang lahat e maganda naman. Kung ikaw ay masokista,malungkot,malayo sa mahal sa buhay ,relihiyosong Southern Preacher at tagahanga ng punong-puno sa enerhiyang bandang Red House Painters, e malamang magustuhan mo ang album na ito.Ayos