Wednesday, July 1, 2009

the weepies - say i am you

Oi man. Minsan ang buhay parang pelikulang love story ng Korea. Widescreen, may itim sa itaas at baba, magaganda ang cinematography, at may sub-title.Ang bidang babae ay sing ganda ni Song Hye Kyo. Tapos yung bidang lalaki naman kamukha ni Cha Tae-Hyun ( yung bida sa My Sassy Girl, ung pelikula ha), medyo goofy at ordinaryo lang.Pagtatagpuin sila ng tadhana, tapos iikot na ang istorya. Tadhana.Napakaromantikong konsepto.Parang Destiny Cable.May Wowow.Tadhana rin siguro ang nagpasimuno ng magkakilala ang parehong singer/songwriter na si Deb Talan at Steve Tannen sa isang club sa Boston.Kapwa kaka release pa lang ng kanilang debut album bilang solo artist. Kay babae ay may pamagat na “Something Burning”, at kay lalake naman ay “Sweet Senorita”. Lingid sa kanilang dalawa, pareho pala nilang pinatutugtog ng paulit-ulit ang kanya-kanyang album at humahanga sa isat-isa.Hanep ano po. M.U. na kagad sila kahit di pa sila magkakilala.Naalala ko tuloy ang kantang pinasikat ng Savage Garden na “I knew I love you before I met you”.Laking gulat ko na lang nang ikasal ang bokalistang si Darren Hayes{ di ako sure sa pangalan} sa kapwa nya lalake.Ayos.Brokebakan na.
Anyway,dun nagsimula ang grupong The Weepies at ang album na ito ay pangalawa na at nirelease sa ilalim ng Nettwerk Music ngayong taon.Nauna dito ang Debut EP na “Happines” taong 2003.Ilang linggo ko na rin pinapatugtog ang album na ito at di pa rin ako naririndi.Ibig sabihin may ginawa silang tama. Pop na country at folk / singer-songwriter ang banat nila.Hati sila sa singing duties. Ang boses ni Deb ay parang kalmado o melancholic na version ng Indigo girls. Dahil to siguro sa k
adahilanang di siya tomboy.{pasintabi po}.Si pareng Steve naman ay parang Duncan Sheik na may laryngitis.Madali man masakyan ang mga melody, may kalaliman naman ang lyrics nila, di tulad ng “Yeh Yeh Vonnel” na nasobrahan naman yata sa lalim at mahirap maarok.Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng “Vonnel”.Minsan malungkot ang tema ng kanta nila,gaya ng “This is not your Year”, na parang nakikipagusap ka sa sarili mo na tanggapin na lang ang mga dagok na dumating at magbakasakali na lang susunod. Bagay nga na soundtrack ito sa pelikula, yung mga eksenang naglalakad ng palayo ang bida, tapos ipo focus yung lalakarin nya. Sa katunayan ang isang kanta sa album na to na “World spins madly” ay ginamit sa soon-to-be released na pelikulang “Friends with Money” ng kaM.U. kong si Jeniffer Aniston.Paborito ko dito ang “Painting by Chagall”, dahil maganda ang poetry at medyo masaya.Ang “I got to have you” naman ay nagpapaalala sakin ng mga banat ni Allison Krauss.Ayos din ang “Slow pony home”, “Stars”, “Nobody knows me at all”, “Citywide rodeo”,”Rigga Girls” at iba pa.
Overall, tunog-fresh at malakas ang koleksiyon ng mga kanta sa abum na ito. Mapapansin mo na lang na sinasabayan mo ang kanta habang nakadungaw ka sa bintana mga bandang 3 o’ clock ng hapon, at maiisip mo na basahin uli ang sulat ng dati mong kaM.U. na nag-Japan for financial reasons, dahil gusto nya raw matupad ang mga pangarap nya at maiahon sa kahirapan ang pamilya nya at mabigyan sila ng magandang bukas, kaya pinuputol na nya ang lahat ng namagitan sa inyong dalawa dahil hindi daw kayo para sa isat-isa at balang araw daw ay makakahanap ka rin daw ng taong magmamahal sa iyo ng lubusan, na masusuklian ng mas higit pa ang pagmamahal na iniukol mo para sa kanya at syang karapatdapat na pag-ukulan ng wagas at busilak na pag-ibig, gaya ng itinakda sa iyo ng tadhana at ng Poong Maykapal.Hay. Para ito sa mga mahilig sa pop na folk at country,twangy na boses, poetic na lyrics, medyo malungkot, medyo masaya, konting bittersweet at romance, at syempre destiny.Ayos.




No comments: