Oi man.nakita kong lumulutang sa malawak na sapot ang album na The Creek Drank The Cradle ng Iron and Wine.Sa biglang tingin, iisipin mong ang banda ay binubuo ng mga mamang metal na tumutoma sa harap ng inyong suking sari-sari store at nagaabot ng tagay sa kahit sinong napadaan at kapag tatanggi e bubuhos nila iyon sa kawawang biktimang nakajacket na lingid sa kanila ay si Rey Malonzo pala at magsisimula na ang basag ulo at patataubin na ang mga pasimuno at magaabot na si Rey Malonzo ng pera sa may ari ng tindahan bilang danyos perwisyo.Mali pala ako.una ang musika nila e malilinya sa genre na tinatawag ngayong Alt country.isang uri ng makabagong folk na walang kinalamaman sa hit na Achy Breaky Heart. Pangalawa ang Iron and Wine ay isang tao lamang.Isang mamang nagngangalang Sam Beam na maaaring kamaganak rin ng sikat na si Jim Beam kung ihahambing ang alcohol content sa kanyang hinhinga.Nagsimula siyang magrecord ng mga lo-fi tapes sa Miami at ang album na ito ang una nyang koleksiyon ng mga awit na nirelease noong 2002.Kapansin pansin na ang kalidad ng recording na ito ay parang voice tape lang na nirecord sa isang lumang Casette player na marumi ang tape head gamit ang isang Betamag c-60 na nabili sa isang record bar sa Libertad na may tinda ring sapatos..Medyo magaras at maraming gasgas ngunit nakadagdag ito sa pangkalahatang atmosphere ng album.Dagdag mo pa dito ang boses ni pareng Sam na parang kagigising lang na may hangover at di pa nakapag ahit at binubulong ang salita para di marinig ng kapitbahay.Incidentally, balbas sarado siya sa totoong buhay..Ayos.Ang unang kanta na “Lions’ Mane” ay magpapaalala sa iyo ng grupong Simon and Garfunkel,particularly ng kantang“The Boxer” dahil may pagkahawig ang style pagpluck ng gitara at overall effect nito na parang may papalayong tren.Ang epekto ng buong album ay parang imuinom ka ng walang yelong gin na magisa somewhere in Tijuana sa tanghaling tapat at unti unting nagse-sepia ang paligid at nakita mo na lang bigla ang sarili mo na ikaw si David Carradine sa Kung Fu na naglalakad sa highway na maalikabok.Bukod sa “Lion”s Mane”, paborito ko rin ang “Bird Stealing Bread” at ‘Muddy Hymnal”.pero ang lahat e maganda naman. Kung ikaw ay masokista,malungkot,malayo sa mahal sa buhay ,relihiyosong Southern Preacher at tagahanga ng punong-puno sa enerhiyang bandang Red House Painters, e malamang magustuhan mo ang album na ito.Ayos
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment