Tuesday, July 28, 2009

Club 8



Oi man. Noong 1987,tinayo ni Clare Wadd at Matt Haynes sa isang basement flat sa Bristol, London ang Sarah Records.Ang kanilang objective: magrelease ng isang daang records upang turuan ng leksyon ang buong mundo kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang pop music.Noong August, 1995, pagkatapos nang ika-100 nilang release sinira nila ang pinto at iniwan ang pamana nilang konsepto na “Pure Perfect Pop”.At ang katagang ito na siguro ang pinaka akmang description sa musika ng Club 8. Kasabihan nga ng tumanda na mundong indiepop, “in a perfect world,this would be on the radio”. At kung napakinggan mo na nga sila ay masasabi mo rin ito sa iyong sarili. Kaya lang di nga perpekto ang mundo e, at medyo matagal pa nating titiisin ang “Miss kita pag Tuesday” sa radyo.Hay.Ang Swedish duo na Club 8 ay binuo noong 1995 ng dating mag-MU at ngayon ay friends na lang na sina Karolina Komstedt (galing sa grupong Poprace) at Johan Angergard (Poprace at Acid house kings- isa ring malupet na grupo).Una silang nagrelease ng album na pinamagatang Nouvelle sa ilalim ng Spanish record na Siesta at doon nagsimula na silang mapansin.Kung sakaling mag-endo ka ngayon (wag naman sana, halimbawa lang) at maswerteng mapunta sa langit, ang boses ng angel ay tiyak na kahawig ng boses ni Karolina.Tyak yon.Bagamat sa unang album, maririnig ang impluwensya ng “Anorak pop”, ” C-86″,mga grupong gaya ng The Legendary Jim Ruiz Group,The Smiths o kaya mga bandang galing sa Sarah Records, ang sumunod nilang release na ” A Friend I Once Had” noong 1998 ang nagsemento sa kanilang pedestal, at nagbigay sa kanila ng unang hit na “Missing You”. Sa lahat ng album nila, ito ang paborito ko pero di ibig sabihin na hindi maganda ang lahat, kaya lang ito yung album na sa aking palagay ay nakuha nila ang pinaka “quintessential” na tunog nila. Sa mga sumunod na album na “Club 8″ ,”Spring Came, Rain Fell” at ang pinakahuling “Strangely Beautiful”mapapansing nagkaroon na ng elementong techno, dance, dub, trip hop, chill out o ano mang tawag duon, pero di pa rin nagbago ang pop sensibilities nila.Maihahambing ito sa mga tunog ng malulupet ding grupong Saint Ettienne, Ivy, Portishead,Air atbp. Minsan nga ay nasasama pa sila sa mga compilation ng mga chill out na records. At salamat sa Tower records e hindi na mahirap maghagilap ng mga album nila ( Syempre problema pa rin ang pambili), di tulad ng dati. Tunay na Kwento: minsan nag attempt ang kumpare kong buo na si Buroy na magtanong sa saleslady sa isang record bar kung meron silang Club 8, at binigay sa kanya e album ng S Club 7.Ayos.








No comments: